Brandnew or Preloved for newborn baru-baruan

Kung kayo mga mi, since mabilis lang naman gamitin ang baru-baruan. Bibili pa ba kayo ng mahal or mag preloved na lang? Nag dadalawang isip ako kung bibilhin ko ba yung baru-baruan ng St. Patrick brand bali makaka worth 1k+ ako dun. Or kung mag preloved na lang ako na mga binebenta online. I just want to hear your thoughts mga mommies. Thank you! 🥰

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I’d suggest to buy not so branded but quality baru baruan. You can go for CJ or babyco brand. Maganda tela pero di pricey. Hilig ko din bumili ng preloved online. Kaya ang hinataw ko ng preloved is mga onesies for ootd lang din at mabilis lakihan.

Preloved ang ginamit ko sa LO ko galing din kasi yung sa sister ko ginamit ng pamangkin ko. okay lang din na hindi ako bumili ng brandnew kasi saglit lang din naman nagamit ni LO. Ang brandnew lang na binili ko is yung mga mittens and booties

sakin miii 3 pares lang yung brandnew the rest is pinaglumaan na, first baby ko po which is ok lang nman sakin dahil saglit lang nman nila yun isusuot mas ma aappreciate mo kase sila bihisan kapag medyo malaki na sila.

hiram lang karamihan ng damit ng baby ko nung newborn sya cgruo tig-2 pairs lang baru-baruan binili kong bago.. saglit lang kasi nila gagamitin. pero lampin bumili po ako ng bago kasi gagamitin nya pamunas

ako bumili ako pero yung lucky cj brand na tig 3pcs ea. ang binili ko sa mall nun 3 sets na pang hospital para presentable. ayun, walang 1 month nagamit kasi ang bilis lang humaba at tumaba ng baby ko 😆

Influencer của TAP

hello po, akobpo preloved mga binili ko for my newborn since mas cheaper po tlga sya at almost 2-3 months lang naman sya magagamit. Bumili lng ako mga brand new para sa 1st day at going home nya from hospital😊

1y trước

marami po kayong makikitang decent pa na preloved ska may brand na cheaper sa online. I used fb marketplace and carousel sa paghahanap ng good deals. Tyaga lang din po tlga.😊

Sa shopee po madami may sales pa tska cotton po sila since pang new born yung saktong dami lang po ng pares kasi mabilis lumaki mga baby mga 4-5 months pwede naman na pong i-onesies okaya iterno po sila

preloved po halos lahat ng damit ng anak ko mi nong newborn..saka na po ako bumili ng mga bago nong 1 month nansiya..ok naman ang preloved na mga damit kay lo pero kailangan mong labhan po ng maayos ☺

firsttime mom po ako . hihiramin ko na lng po mga gamit ng pamangkin namin lalo na sa barubaruan. .kasi wala namang iba saakin yung gumamit and malinis naman po. .all goods kasi saglit lng din nagamit

sakin barubaruan meteor set na po.. iba pa rin pag brand new madami naman na po murang set sa shopee tyka depende naman yun sa baby mo yung iba nagagamit yun 1-2mos.. kaya mas maganda sana kung new