Brandnew or Preloved for newborn baru-baruan

Kung kayo mga mi, since mabilis lang naman gamitin ang baru-baruan. Bibili pa ba kayo ng mahal or mag preloved na lang? Nag dadalawang isip ako kung bibilhin ko ba yung baru-baruan ng St. Patrick brand bali makaka worth 1k+ ako dun. Or kung mag preloved na lang ako na mga binebenta online. I just want to hear your thoughts mga mommies. Thank you! 🥰

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

If madami ka budget go ka sa St. Patrick brand, pero kung practicalan ang usapan, go sa mga quality yet mura na mga baru baruan. Halos wala pa kaseng one month susuotin ng baby yung baru baruan. In my case, sa panganay ko almost bigay lang galing sa mga hipag ko. Labang sobrang linis and disinfect lang ang kinapitan ko, and syempre namili din ako ng maayos at maganda pa gamitin na mga baru baruan. Bumili lang ako sa shopee ng Lucky CJ brand na 2 sets para bago yung isusuot nya paglabas nya. Mas nag invest ako ng bago sa mga towels, lampin, receiving blankets, cloth wipes. Okay naman si panganay ko. Walang naging skin issue nung newborn. Tyagain mo lang sa laba, disinfect, pagkukula ung mga damit kapag galing sa iba. I suggest din sa kakilala mo na lang ikaw tumanggap ng baru baruan kase pag sa ukay, we'll never know di ba? For hygiene purposes kase newborn ang gagamit. Ngayon kay baby #2 isang set lang ng bagong baru baruan binili ko. Ung susuot lang nya paglabas nya. Mabilis lang nila kakalakihan yan, sayang kapag sobrang mahal yung bibilhin na barubaruan. Ilaan na lang sa iba pang needs ni baby ung budget.

Đọc thêm

,ako man po ung iba Hiram and since my first baby na ko ung ibang natira na gamit nia is dagdag nlng sa second baby ko Kasi ung iba nawala na gawa Ng pahiram sa iba din hahaha then ung kulang un nlng bilhin Kasi saglit lng naman talaga magagamit mga un..importante Jan na di masasahang is mga pajama Kasi un ung mas matagal nia mapapakinabangan..and kung 1st time mom ka and my budget ka naman po full filing po talaga na Ikaw mismo bumili Ng gagamitin Ng baby mo..pero depende parin kung magpapakapractical ka mi Wala din problema..hehe Lalo na sa hirap Ng buhay ngaun need na natin magtipid..

Đọc thêm

Okay po siguro if yung preloved na kukunin nyo is from kamag anak or yung immediate family para alam nyo kung okay ba sa hygiene yung bata kasi newborn po ang gagamit. Dun sa first born ko lahat bago(sponsored ng lola hehe) kaso napahiram ko sa hipag ko, sadly burara walang ingat kaya ngayong second pregnancy ko ubligado na mag provide ako, good thing yung pinsan ko kakapanganak lang, and maayos naman lahat so yung ibang baru baruan sakanya ko binili pero planning to buy pa rin ako ng baru baruan kahit pang isang set na susuotin nya sa ospital

Đọc thêm

ok din po ang lucky cj n baru baruan at hnd po un kamahalan.ngastos ko po nsa 800+ complete n un pero mgkaiba po brand un nbilhan ko pero prehas quality.beba baby po ung isa tatak mgnda rin ang tela.tig 3 pcs po yun complete n.ngdgdag lng ako ng tig 3 pcs pjama and short baby co na brand kapal po tela and 3pcs p n lucky cj n longsleeve since taglamig ung pnganganak ko kya ngdagdag ako.hnp po kau s shoppee mdmi po mgnda dun.d nmn kelangan branded e ,my mhhnp po kau dun good quality

Đọc thêm

As for me po, since ftm ako, new set talaga ng baru baruan pero konti lang din binili ko since alam ko mabilis lang lumaki ang baby (madami po ako pamangkin kaya ko alam hehe), sa shopee ko lang binili. Then mga onesie puro na ukay. Sponsored ng mga tita ni bb. Hehe. Sa panahon ngayon siguro mas maging praktikal nalang din. But of course, without compromising yung health and safety ni baby. Pag ukay, labhan, banlian ng mainit na tubig para mamatay yung mga germs. Hehe

Đọc thêm

Ako puro pamigay, bumili ako pero iilang damit lang. Ang dami nung binigay and goods pa naman. Malaking tipid. Ftm and hindi naman kami gipit, pero nung nakita ko mga damit na pinamigay hindi na ako bumili. Mostly ay like new pa, siguro hindi talaga lahat naisusuot kasi mabilis lumaki ang baby. Kung walang hand me downs siguro bibili din ako ng bnew pero hindi branded. Hindi pa talaga nila need ng branded, for ootd siguro pwede pa.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Mix po sakin mi tig tatlong set na bago,parang 9 pairs ata lahat. Then the rest prelove na, pamparami lang dahil madalas magpalit. I suggest kung anong season matatapat na new born sya ang dagdagan mo. Sakin kasi summer, kaya dapat marami akong shortsleeves and short. Ngayon naman maulan, more on longsleeve and pajama. Tapos from 3mons, tuwing bibili ako ng damit tig 3pairs lang tapos advance ang size sa age nya . Sana nakatulong.:)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ma if may extra budget ka, walang masama na bumili ng branded. Pero if ganya nyan na nagdadalawang isip ka, bili ka nalang ng mura lang. Wag ka na mag preloved kasi makakabili ka naman sa shopee mga tig 30 each lang. Ang gawin mo, damihan mo bili. Kahit sabihin na saglit lang yan magagamit, napakabilis po magpalit ng damit ng baby. Kami non minimum 3x a day. Pag 6 lng binili mo, laba ka ng laba. Nakakaumay yun haha

Đọc thêm
1y trước

Dibaaa miii. Nung una ilang piraso lang din binili ko. Naniwala kasi ko dun sa saglit lang magagamit hahaha nakailang araw pa lang kami nagdagdag na talaga ko ng marami. Pakahirap mag laba lagi hahaha! 30pesos lang naman isa. Ayun after magamit ni baby naipamana din naman agad namin sa iba kaya hindi talaga nasayang.

Sa panganay ko po lahat brand new since nasa isip ko na noon pa man na magagamit din naman ng mga kapatid nya. Ayaw ko ng preloved kapag new born,mahirap na baka may skin disease last na gumamit. D naman natin knows kung sino last na gumamit non diba. Opinion ko lang naman po, at good thing dahil ito nga po magagamit pa ng kapatid niya mga pinaglumaan niya.

Đọc thêm

Di pa po ako nakakbili para kay baby, pero si mother-in-law nanghiram na e 😁🥰 para di na daw ako bibili, mabilis lang naman daw po kasi kalakihan ni baby baka 1 month or wala pang 1 month maliit na kay baby ang baru-baruan kaya nanghiram nalang daw. Ang bilhin ko daw is yung pang ilang month na baby dress na. Oks naman po yun saakin ang importante meron at mas makatipid din ❤

Đọc thêm