My Baby Khiel

Khiel steffan Ferreras October 29,2019 Via emergency cs Share ko lang po mga momshie, sobrang worth it lahat ng pain nung makita ko na si baby khiel namin? Almost 2weeks ung panay ang sakit ng puson at balakang. Weekly nko ngpapacheck up kasi worried na kami since malapit ndin nman talaga ang due ko. Oct. 29, paggising ko meron akong ibang naramdamang pain. This time buong tiyan ko na ang sumasakit hindi lang ang puson. Nahihilo ako at nagsusuka din. So, sabi ni mama magluop(salitang tagalog, means ilalagay sa baga ung pagkain na kinain mo na pdeng natakam ka, nasarapan or nandiri ka) daw ako. Ginawa ko nman. Nahiga ako baka kako mamaya maging okay na. Pero ilang oras ang lumipas tumitindi ang sakit ng tiyan ko. Hindi ko na tlaga kaya ung pain. Pinaligo nko ni mama tas dumiretso ndin ako sa OB ko para macheck ndin ako. So ayun nga after ko macheck open cervix nko 1cm. Kaso may problem suhi si baby. Suggest ng OB ko cs nko so ako go lang para kay baby. Sobrang nakakakaba lalo na kpag pinasok kana sa OR. Pero dahil si baby iniisip ko nilakasan ko loob ko. After 27mins. ayun nasilayan ko na si baby khiel sobrang thankful ako sa OB ko at sa lahat ng nurse na nag assist sa panganganak ko. Kaya mga momshie wag po kau matakot or kabahan para kay baby nyo nman po lahat ng sacrifices na ginagawa nyo??worth it nman po lahat kpag nakita nyo na baby nyo.

My Baby Khiel
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congrats