makakalimutin
kayo din po ba sobra na ang pagiging makakalimutin? lalo na sa mga cs jan? habang palaki ng palaki anak ko pansin ko mas sumosobra pagiging makakalimutin ko
Ganyang ganyan ako haha kakapatong ko palang ng gamit na hawak ko makakalimutan ko na kung saan ko nailagay 😂 lalo na mga gamit ni baby lalo na pag natataranta ako 😂😂 minsan nagagalit na asawa ko kasi sya pinaghahanap ko 😂😂😂
Cs ako 5years ago na rin. Sobrang makakalimutin ako ngayon kaya minsan naiinis na asawa ko bat daw di ko maalala minsan. 😣 kahit simpleng bagay nakakalimutan ko din ngaun dahil ata sa dami ng gamot na tinuturok sa mga naCS
after giving birth to my second baby naging makalilimutin ako sobra! pero both normal po ako.. minsan i know what i want to say pero i just forgot the word instantly nakakainis hehe ☺️
ako bago pa macs makakalimutin na tapos na opera pa ko kaya yung anesthesia ko bali naka dalawa na ko sa tana ng buhay ko kaya yung pagiging makakalimutin ko kwadropol na 😂😂
Ako po sobra kahit di pa ako nanganganak hindi ko alam bakit sabi ko nga sa asawa ko feeling ko natatanga na ako sa sarili ko hahahaha tapos natawa lang sya sakin 😂😂😂
So ito po ba ung mild amnesia? Minsan po kasi detail lang like color nagkakamali nako sa memorya. E before di ako ganun lalo na sa kulay. Normal delivery naman po.
Ganyan din ako!!! T_T kaya super friend ko na sticky notes, calendar and alarm clock ko. huhuhu mejo kakafrustrate. di naman ako ganto nung dalaga ako!
Same here kaya minsan naiirita ako kasi nagagalit asawa ko if ever nakakalimutan ko agad mga details but I'm very attentive naman. Don't know 😭
Oo kaya need mag take ng fish oil at ginkgo biloba suplements at kumain ng mga nuts pra at least di ganun mag progress ang paguulyanin
I feel you mommy.. huhu! Minsan naiirita na c hubby. D kc maintndihan na dala un ng panganganak ko. Or so i think. :)