37 weeks, 1cm

Kaway kaway sa mga 1cm na jan. Mga gaano pa po kaya katagal bago ang delivery if 1cm pa lang?

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

depende po sa katawan mhie. nung ako po, 36 weeks hanggang 39 weeks 1 cm lang. naglakad lakad, squatting, nagtake ng evening primrose at lumabas na po mucus plug bago mag 39 weeks, pero stuck sa 1cm. ininduce ako, nag2cm lang. kaya cs din ending.

1y trước

cord coil po ba si baby nyo? bakit kahit na induce hindi po bumaba?

38 weeks ako nung chineck na 1cm and 60-70 effaced. Kaso mataas pa si baby. currently 39 weeks and paonti-onti lumalabas mucus plug. Ano po sabi sainyo ng OB niyo? wala po sinabi if mataas pa baby or of ilan effacement niyo

1y trước

Pero nilabasan kana po mucus plug?

ako nung 34 weeks 1 cm na kaya ayun admit sa hospital kasi tumataas heart rate ni baby at pulse rate ko muntik kami ma CS buti naging okay. kaya pagkauwi bedrest. 🙏 waiting mag full term.

Matagal pa po yan Mi. Ako nung 36 weeks 1cm ,nung 37 2cm. Stuck sa 2cm hanggang ngayon turning 38 weeks na bukas. pero panay na ngalay ng balakang at puson ko

1y trước

Have a safe labor saten miii 💕💕

hi mi..di ko pa alam cm ko di pa ako nakabalik sa OB ko..37 weeks din po ako..

1y trước

Hi mii. Saken nurse lang inesched na mag IE saken.

1-2cm ako 38w4d nun. nanganak ako after 8days.

1y trước

same