Ako lang ba?

May kaunting trust issue ako sa mga kamag anak ni hubby especially sa mga cousins nya sa mother side. Di ko sila feel pero pinapakisamahan ko naman sila. Kaso pagdating kay baby, gumagawa ako ng way para di nila masyadong buhatin si baby ko. Hanggat maari yung Mother in law ko lang kasi apo nya naman yun. May comments pa yung cousin ni hubby na dapat pinapakain na ng kanin yung 9 nonths old na baby, gusto ko sana sabihing "anak ko yan, ako masusunod" nagtimpi lang ako kasi alam ko yung personality nya napaka war freak nya. Tapos one time nakalusot yung cousin na yon ng hubby ko, itinakas nya yung baby ko papunta dun sa bahay nila. Pinahabol ko agad kay hubby kasi di ako napapakali lalo na pag hawak nun, di talaga palagay loob ko sa kanya lalo pagdating sa baby ko. Valid ba itong feeling nato or masyadong lang ako maselan para sa anak ko? #firstbaby

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

maselan at valid. totoo naman na pede na pakainin ng kanin ang 9 months old pero pipisain parin. wala naman silang ginawang masama sayo pero ganyan ka mag isip sa kanila taapos natutuwa pa sila sa baby mo pero negative ung nasa isip mo so i think maselan at maarte ka sa baby mo. to think na gusto nila alagaan pero pinahabol mo sa asawa mo na para silang magnanakaw. mas gusto mo ba wala na lang silang pake? valid naman kase ikaw ang ina. alam mo at karapatan mong masunod sa gusto ng anak mo .

Đọc thêm

Super valid mi, lalo kung FTM ka. Masyado lang talaga tayong sensitive and over protective sa mga baby naten :))

valid po. Tayo Ang nanay. dun palang sa itinakas, Hindi Nagpa alam e Wala ng respeto e.