baby just wants daddy, not mommy

May katulad ko po ba dito na ang baby niya, parang ayaw sa kanya. My baby is just 9 months old. Feeling ko ibinibigay ko naman lahat pero di pa sapat ?? Si daddy pa din ang gusto niya. Pag pagod na daddy niya at ibibigay siya sakin, iiyak na lang siya bigla. O kaya wala pang 5 mins na nasa akin siya, magmamarakulyo na. Feeling ko talaga ayaw ni baby sakin. Bakit parang may kasalanan ako? Bakit parang kasalanan ko? -Bea Alonzo ?? Dati naman sumama sakin. Salitan kami mag alaga ni daddy niya pag nasa bahay kami pareho. Ngayong lahat tayo naka quarantine sa bahay, ramdam na ramdam ko na ayaw sakin ni baby. ? Bakit kaya ganun mga mamsh? Ano ba dapat ko gawin? Madalas kasi dahil pagod na kakakalong si hubby sa baby namin na ayaw naman sumama sakin, nagkakabusitan na din kami. (hindi kasi namin pwedeng hayaan lang na umiiyak si baby sa crib kasi kasama namin sa bahay si MIL na sobrang bait sa akin sa kabaligtadan. Konting iyak ni baby, nagagalit sakin. Kaya instead na maimbyerna sakin byenan ko eh nagkakalong maghapon si daddy pag umiyak na si baby sa crib.) Please help.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

awww hugs mommy! daddy's girl lang siguro si baby. maybe set an activity na ikaw lang pwede gumawa with her. kunyari bath time ikaw tapos may special laro kayo na kayo lang gagawa.

Pareho tayo mommy ang baby ko din minsan ganyan sa ate ko. Ayaw lumapit sa akin. Iniisip ko nalang cguro nagsasawa na sa akin kasi ako palagi kaharap nya.