mother in law
May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.
Sis, okay lang yan. Anak ko nga mismo yung tatay nya lumalait sa kanya. Kasi daw malaki yung ilong, pango, pisilin ko daw araw-araw para tumaas. Alam mo yung ganung feeling, napakasakit. Dinadaan ko nalang sa tawa. Eh ano ngayon kung ganun sya, bigay sya ng Diyos na dapat kung alagaan at mahalin. Mahal ko anak ko at ako na ang pinakamaswerte sa mundo noon naging nanay ako.
Đọc thêmnaalala ko lang, sabi daw ng matatanda, kabaligtaran daw talaga ibig nila sabihin pero ako di ako naniniwala.. bakit kelangan pa ganun kung pwede namang sabihan ng cute ang baby.. pag matatanda sinasabihan ng pangit pero hindi mo mean, pwede yan pero pag baby kasi dinasabihan parang di naman tama na ganun kasi the baby cannot understand that pa na sarcastic pala or what..
Đọc thêmcute naman po si baby mommy hindi naman pangit. ganito kasi yan, ang totoo napaka emosyunal natin pagkatapos manganak. pero para sa akin po, apo din nya yan at baby din yan ng anak niya. walang dahilan para sabihing pangit. baka sa sobrang naku cutan si lola sa apo nya kaya kung anu ano tinatawag sakanya.. she might not even mean anything in saying so. cute lang talaga.
Đọc thêmnaku samin naman ung kapitbahay naming chismosa ...sya lang nagsasabi na pangit baby ko nun kc kamukha daw ng tatay ..kahit ung iba gandang ganda sa baby ko at ang cute cute daw ..tapus nung nag ka apo sya lahat ng apo nya dami ng sasabi ang papangit hahaha balik sa kanya karma nya naiinggit sya sakin kc magaganda anak ko ..eto sya nung pinipintasan nya dati
Đọc thêmsarap sapakin pag ganyan.sakin one time pinasyal namin lo ko sa bahay ng mil ko..lo ko kasi araw ang gabi .nung gabing andun kami kunso kinuha daw niya lo ko para patulugin.e mulat na mulat mata ng lo ko sinabihan ba namang tutusukin ang mata.kahit joke lang o ano hindi dapat sabihib yung ganun. di ko napigilang sinagot.kakantihin ko lahat ng mang aapi sa baby ko 😔
Đọc thêmBaka po sa edad niya at alam niya na bubukod na kayo, kaya niya siguro sinasabi yung ganyan dahil sa selos. Baka po ayaw niya yung idea na aalis na yung anak niya sa poder niyo at bini blame niya yung apo niya. Tho wala naman excuse para ganunin niya anak mo, ikaw na lang po umitindi at lalong ipa feel sa anak mo na siya ang pinaka maganda. Dasal lang din po
Đọc thêmNakaexperience ko yan one time sa MIL ko. Nag paultrasound kasi kami that time ni hubby tapos si baby nakatakip face sa ultrasound. Sbi ni hubby sa mother niya ayaw ipakita yong face. Sbi ba naman nung MIL ko "baka pangit kaya ayaw ipakita" nagalit hubby ko sa kanya. So far hindi pa naman naulit 😂 ngayon nakalabas na gandang ganda sila sa anak ko.
Đọc thêmpag pasensyahan m na lng mommy tas ipakita m sa kanila na mahal m anak m minsan sinusubok din tayo nang mga byenan natin sa pasensya pro pag wla na kayo nka stay sa kanila hanaphanapin nila yong anak testted and proven ko yan mommy kya sila ngayon yong nag hahabol sa anak ko minsan gusto nila sa kanila yong panganay ko kaya thankful din ako sa kanila
Đọc thêmang cuteee kayaa🥰 pati yung eyes singkit😅❤️ may mga ganon talagang byenan momsh parang di pa nila tanggap na may anak at asawa na anak nila🤣 kagaya ng byenan ko, imbis na sya maging kakampi ko sya pa nagchihismis saken🤣 miski pagsstay ko maghapon sa kwarto bigdeal sa kanila, nakakahiya lang sumagot kase dito lang den kame nakatira😅
Đọc thêmGrabe momsh e mukha din naman ng anak niya yung makikita niya sa apo niya diba 😄 makalait naman si MiL mo akala mo kinaganda niya yung pinagsasabi niya ✌🏻 kidding aside, cute na cute nga po si baby e asan banda jan yung nilalait niya? Wag ka nlng paapekto momsh 👍🏻 labas lang sa kabilang tenga lagi 👍🏻 god bless you always 🙏🏻
Đọc thêm