mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa mga nagsasabi na nagbibiro o nang aasar lang, duhhh tawagin na bulldog anak mo nangtitrip pa din? May topak MIL nito. Yung MIL ko nga wala na ibang sinabi kundi ang ganda daw ng apo nya. Minsan nahihiya na ko sa ibang tao kakapaulit ulit nya haha pero alam ko naman kasi proud na proud sya. Buti na lang mommy bubukod na kayo sa MIL mo. Matanda na may topak. Ganyan rin lola ko sa tuhod sa iba nyang apo may favoritism kasi haha. May mga matatanda talaga na nakakawalang galang.

Đọc thêm

Ang cute naman po ng baby nyo.. Palagay ko lang po, baka ikaw ang pinaparinggan ng MIL nyo po,hindi ko naman sinasabi na panget ka po,pero baka gusto lang nya na mainis ka..baka po may issue siya sayo pero hindi niya derektang masabi o mapakita kaya bata nalang pinagdidiskitaan,which is very wrong po,dahil alam niyang maapektuhan ka talaga.. It's a good thing po na aalis nadin kayo..para malayo at maprotektahan baby po ninyo emotionally,dahil na fefeel din po nila yan..

Đọc thêm

Same here mamshie, ung babg ko nga never niyang tinawag na apo eii since ung nanganak ako never siyang nagpatawag na lola, tas sinasabihan niya kami ng kung ano anong masakit na salita ng daddy niya tas dinadamay niya baby ko, tinawag pa niya mongoloid daw anak ko eto pala pic nmin ng baby ko.. Pinagdadasal kona lang ung nanay ko hndi siya mabuting MIL sa asawa ko nakiki alam siya sa amin mag asawa tas gusto niya kami maghiwalay, tinatanggalan niya ng ama ung baby ko..

Đọc thêm
Post reply image

parehas tau... napakasakit sa ina na sinasabihan ng byenan ng di maganda ang anak natin... ang anak ko... sinasabihan pa nia na mukhang taga tramo ang anak ko... kesyo buswang ang nguso... pasalamat dw at maputi kung hindi napaka pangit dw ng anak ko... para bang pinagseselosan nia ung atenxon ng mga anak nia sa anak ko... nagagalit pa nga un pag kinakalong ng asawa ko ang anak ko... nkakasama lng tlg ng loob.. wlang kamuang muang ang anak ko..3mos. old na xa now...

Đọc thêm

Kung ako sayo, sabihan mo partner mo para sawayin nya mama nya. Wag na iexcuse na dahil matanda ay pwede ganyanin anak mo. Hindi tama yan. Tsaka to think na matanda na sya kung ganyan nya pagsabihan anak nyo ay hindi katanggap tanggap. Alam ko pwede ka magreklamo sa paghuhumiliate nya sa anak mo lalo na baby pa yan. Gumawa ka na ng paraan para tigilan nya pangungutya kasi isipin mo, baby pa lang anak mo pero di mo mapagtanggol dahil lang sa nanay sya ng partner mo.

Đọc thêm

Focus ka kay baby. Kapag may negatibong ibinabato sa kanya, i-hug mo siya ng mahigpit, kiss mo siya. Hindi pa naman niya alam ang salitang "pangit" o mapanlait na mga salita, hindi niya iyon naiintindihan. Ikaw ang nasasaktan para sa kanya, which is natural bilang ina. Kunin mo na lang itong opportunity o idivert mo ang negative vibes para mas maiparamdam kay baby ang love mo. Kausapin mo lang si baby 👍 Hayaan mo na ang biyenan mo, bahala na si Lord sa kanya.

Đọc thêm

Ang Pogi ng baby nyo.. 😍 Ako din ganyan ung MIL ko.. Masakit nga nmn marinig na ginaganyan ang anak natin db. Ung anak ko kc nung mga ilang months palang sya ugly duckling sya. Kaya sinasabi ng MIL ko kapag may bisita sila ewan ko na bat di nagmana sa daddy nya.. Aha lagi nya pinagmamalaki ung isang apo nya na anak ng arabo kaya super pogi para sakanya. Pero ngaun gwapo na anak ko mukha naring indiano. Magiiba pa Kc itsura nila habang lumalaki.

Đọc thêm
5y trước

Hala same mamsh. Pagkatapos nya sabihang pangit paulit ulit si baby kanina umaga, binida naman nya yung isa nyang apo ang pogi daw. Siguro dahil na rin mapuputi nauna nyang mga apo tapos si baby hindi maputi kaya ganun ganun nalang magsabi kay baby ng pangit.

grabe naman yang mil mo, minsan di naman masamang pag sabihan siya. parang isip bata pa yang mil mo amp. napaka bata pa lang ng baby kinukutya at ang masama sa kadugo pa niya. jusko ka stress yung mga ganyan. kung siguro ginanyan anak ko pag sasabihan ko, kasi kahit ni katiting wala silang pinagod o ginawa para sa anak ko. wag mo na lang pansinin mommy. ang cute ng anak mo. lahat ng baby ginawa sa wangis at katulad ng mukha ng panginoon.

Đọc thêm

mommy hindi panget ang anak nyo,bawat baby kanya kanyang kagandahan or kagwapuhan..lagi mo na lng iparamdam sa anak nyo kung gano nyo sya kamahal kaht ano pa man sabihin ng ibang tao,,baka may pnagdadaanan byanan mo hayaan mo na lang sya wag mo na lang patulan ang bata,,baka po malabo mata nya..pag salaminin mo kaya😊😊baka makita kung gano kacute anak mo ,,char lang... pero super cute anak mo po...hi baby 😍🥰

Đọc thêm
Thành viên VIP

wag mo napansinin sis.. gwapo ng baby mo.. mabuti n rin yun aalis n kayo sa puder nila.. baka mag away kayo ng hubby mo dahil sa masakit na pananalita ng Nanay niya. better na lang na iwasan mo MIL mo sis.. ikaw na lang magdistance.. to protect yourself, your baby and your husband.. Kasi Nanay niya pa rin yun and wife ka niya.. baka he will be put in the middle pag nag away kayo.. Never mind your MIL sis.. God bless..

Đọc thêm