Walang bilib sakin yung asawa ko.
Katatpos lang namin mag away at every time na nag aaway kame parang nafefeel ko sa kilos at salita nya na napakawal kong kwentang asawa at ina. Tho di pa naman nalabas si baby. Gusto nya kasi sa lying in ako manganak which is tama naman kasi wala kameeng sapat na pera sa private ospital. Ako kasi gusto ko sa private since ftm at pera ko naman ang gagamitin sa pnganganak ko. Lumabas kasi sa bibig nya na bakit si ganito ganyan kinaya sa lying in ang yabang yabang mo kasi porket dito ka nagtatrabaho. Ang sakit lang marinig yun sa tatay ng anak mo na wala namang iba akong inisip kundi kaligtasan ng anak nya way back college kasi may nakita akong sinugod na buntis from lying in pasakay ng patrol ng barangay namumutla at natulo yung dugo. Hangang ngayon naalala ko parin yon, Di ko maiwasang di isipin yon. sakit lang na marinig sa taong mahal mo na wala syang bilib sayo at mas bilib pa sya sa ibang babae. naiisip ko minsan sana nag pills nalang ako after ng kasal para di agad ako nabuntis at di kame hirap sa pera ngayon. Lagi nya kasing sinusumbat sakin na kasalanan ko lahat ng nangyayari saming dalawa ngayon. Pinagsisihan nya na pinakasalan ako at ang yabang yabang ko daw. #advicepls #1stimemom #pleasehelp