Husband Duty

Kasama niyo ba lagi si husband tuwing prenatal check up niyo? In 9months si husband kasi naka 3x pa lang ako sinamahan. Due to his schedule bawal weekend. Wala lang, naingit lang ako sa mga kasabay ko. Ugh! Emotional attack! ?

460 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako 1-4 monthly check kasama ko si husby, the rest ako na lng mag isa at naliligaligan akong kasama sya hehe, mas buntis umasta eh kesa sa akin. Pero noong last sinama ko na ulit sya kasi for emergency cs ako.

ako nga since sa 1st born ko til ngayong 8mos na tummy ko sa 2nd baby namin e'di ko pa sya nakasama sa pagpacheck up🥴 but understandable naman kc dahil sa work schedule nya di tugma sa sched ng check up ko😁😅..

Isang beses lang po nya ako nasamahan nung nakavacation leave sya. 😊 opo nakakainggit po yung mga nakakasabah ko dahil kasama nila mga asawa/partners nila pag nagpapacheck up. Pero okay lang mas gusto ko po mag isa.

Buti ka pa mommy nasasamahan ka kahit minsan. ako nga throughout pregnancy ko wala ako kasama ni isa pumunta sa check ups ko kasi magkalayo kami ni hubby. Andito siya sa Baguio while nasa Ilocos naman ako that time..

Thành viên VIP

Dalawang beses lang ata ako sinamahan ni hubby, nung rnr niya lang tapos kasagsagan pa nang Covid nun kaya hindi sila pinayagan umuwi. Then parents na niya ang kasama ko magpacheck up. LDR feels pero okay lang naman.

Sa province namin ako nag-stay nung preggy ako. Hindi nya ako nasamahan ng ilang beses kasi lockdown nung time na yun and na-lockdown sya sa bahay namin. Mag-isa lang ako nagpapacheckup nung kasagsagan ng covid 🙂

He went me with me once only. I do not require him to go with me because he doesnt need to be physically present to assure me of his support for our child. As long as inaalagaan ka nya, go lang!

Yes po kasama ko boyfriend ko every check up sya din may gusto na dapat kasama sya lagi kahit may work sya nasisingit nya pa din na samahan ako kaya thankful pa din ako kahit pasaway sa ibang bagay.

yes po Walang palya pero ngaun 8months n hindi nya ko masama pupuntahan nya lng dw ako. bawal na kc dami na nyang leave 😭cympre kaylangan intindhin work un pag nawala kawawa ang mga baby at magiging baby🥺

Pre-covid, yes. This time, sa first appointment lang sya sumama, sa mga sumunod, hindi na kasi patients lang ang pwedeng pumasok and nasasayang lang ang oras nya sa labas instead na may natatapos sya for work.