Husband Duty
Kasama niyo ba lagi si husband tuwing prenatal check up niyo? In 9months si husband kasi naka 3x pa lang ako sinamahan. Due to his schedule bawal weekend. Wala lang, naingit lang ako sa mga kasabay ko. Ugh! Emotional attack! ?
I feel you 😢 inggit dn aq sa kasabayan ko sa clinic kpg ngpapacheckup .ung tipong may partner silang kasma and iba todo alalay pa pagaalis na sa clinic samantalang ako wala . lalo mejo malayo pa check up ko kc lahat ng clinic need pang sumakay ng jeep samin. snsbi ko dn yan sa partner ko na samahan nmn ako kht once lang kaso sakto daw sa pasok niya wala kcng weekend sched clinic ko .Kung meron sasamhn nya tlga ako 😢
Đọc thêmYes po, kasama ko po siya sa mga check ups ko. Sa iyo nman sis, understandable nman pala kung hindi ka nasasamahan paminsan kse pala dahil sa work. Wag ka nang malungkot, malungkot ka kung di ka sinasamahan dahil tinatamad o ayaw lang niya. Reasonable naman pala, kaya cheer up na momshie! Alam ko emotional talaga ang mga buntis but try to think happy thoughts! God bless your pregnancy 😊
Đọc thêmGanyan din po ako.. hnd din ako masamahan sa check up...ako naman si mama mas madalas qng kasama sa ob kc sunday lang ang off ni partner tas sunday close ob ko 😂😂😂 ayaw q nmn xa umabsent at sayang salary...ok lang yan mommy at least kahit pano nasamahan tayo... ung iba nga nagbuntis tapos nanganak na at ilang months na ung baby bago makita ng asawa nila kc ofw tulad ng pinsan q^^
Đọc thêmhala buti pa kayo, yung husband ko never pinapasok ng clinic laging ako mag isa lang. kahit ultrasound ayaw iallow. kaya hindi ako ginaganahan magpacheck up eh. ang lungkot ko din sobra never nya pa nakita man lang si baby na may heartbeat sa ultrasound, first baby pa naman namin to after 2 miscarriage, parehong walang heartbeat ung naunang dalawa. hay. kakalungkot pero walang magawa.
Đọc thêmMe too. Sa loob ng 9 months bilang lang sa daliri yng pag sama nya saken sa check up ko dahil din sa pagiging busy sa work. Minsan naiinis din ako sa kanya dahil gaya mo naiinggit din ako sa iba na kasama yung hubby nila pero may time na naiisip ko din na para nmn samen ng baby ko kaya sya magttrabaho at mas pinipiling pumasok sa work.
Đọc thêm3x na ko nakapunta sa OB, yung 1st two, kasama sya. Yung last hindi kasi work din, law enforcer kasi sya. Gusto nya sana kasama sya pero call of duty and he feels guilty about it, maya’t maya din ang tawag 😅 Siguro kung alam naman natin na kung pwede sila, sure na sasama sila pero syempre may mga duties din ang baby daddies natin.
Đọc thêmIn my case, ako yung may ayaw kasama sya pag nagpapa check up. Kasi alam naman natin na hindi lang tayo ang patient so medyo matagal talaga ang paghihintay sa ob natin. E mainipin si hubby at pag nainis na sya maiinis na din ako, result is mag aaway lang kami haha. Kaya ako, ayos lang ako na mag isa sa check uo haha.
Đọc thêmang husband ko gusto nya ako laging samahan ako naman ang ayaw 😆😆 naaawa kasi ako pag naghihintay sya at di makaupo dahil mas priority mga preggy. marami din naman akong kasabayan na walang kasama and mas comfortable ako pag ako lang mag isa. twice lang sya nakasama nung first checkup and ultrasound schedule para sa gender
Đọc thêmSa pre-natal ko d ko makakasama mr.ko kc weekdays eh. Tama ka nakakaingit nga if makkta mo kasama nung iba mr.nila. pero ayus lang nman nasa work kc mr.ko! Pero pag weekend if may labtest ako sinasamahan nman nya ako. Pero sa pap smear gusto ko samahan ako ni mr.natatakot kc 😄😄😄 at next week na un!
Đọc thêmWag ka mag alala mamsh, ako nga twice lang ako nasamahan ng hubby ko e. May work kasi sya and weekdays ung check up ko kaya hndi mag tugma. Wag ka mainggit ok lang yan di naman palaging kailangan na kasama natin sila as long as nag wowork sila mabuti para ma provide ung needs natin ni baby. 😊
Expecting Baby No. 2