Dpat bng paloin na ang isang 2-3 yrs old.Ako kasi nakukurot ko na anak ko kapag naiinis ako sa knya

kapag umiiyak ng wlang dahilan

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Para sa akin, kung papaluin nyo as part of an actual lesson for discipline, pwede pa siguro. Pero kung dala lang ng inis, hindi po tama. Understable na nakakasakit tayo kapag stressed na rin tayo but it doesn't make it right. Nasasaktan nyo sya hindi dahil sa umiiyak sya kung hindi dahil naiinis kayo sa pag-iyak nya. Hindi iiyak ang isang tao nang walang dahilan. Ang bata, hindi pa marunong magmanage ng feelings nya so yung pag-iyak nya maaarijg simpleng dahil malungkot sya, takot, galit, inis rin, etc. Kung umiiyak, alamin nyo bakit, intindihin nyo yung bata. Ikaw ba kung malungkot ka at umiiyak ka, gusto mong sabihan ka ng asawa mo na "tumigil ka na nga sa pag-iyak! ano bang iniiyak-iyak mo?!" (sabay kurot/ sampal)... kung sabihan ka ng ganun, tiyak lalo ka lang maiiyak dahil sa inis o di kaya dahil sa lungkot na hindi ka man lamang sinubukang unuwain bakit ka umiiyak. Ganun rin sa bata, mas mababaw nga lng ang luha nila dahil ginagamay pa nila mga damdamin nila. Kung ikaw yung bata, it woud be frustrating enough na hindi maintindihan ng magulang mo bakit ka umiiyak, at para saktan ka pa on top of that? kawawa naman... Don't get me wrong, aminado ako na minsan nasasaktan ko rin anak ko sa inis, pero alam kong hindi ito tama. Nagso-sorry pa nga ako sa anak ko kung alam kong wala naman talaga syang ginawang mali pero nawalan lang talaga ako ng pasensya.

Đọc thêm