Ultrasound

Kapag po ba inadvisan kayo na nagpaultrasound pwede po bang hindi na muna? Im 16 weeks pregnant po, sabi po kasi ng mother-in-law ko wag daw po muna magpaultrasound kasi baka daw po makakasama sa development ng baby yung radiation kapag iuultrasound.. Okay lang po ba yon na by 28 weeks pako mag uultrasound? Or kelangan po macheck si baby sa loob?. Thanks po in advance.

51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sa buong pregnancy ko 4x ako nagpaultrasound pero paglabas naman ni baby wala namang komplikasyon. tsaka di naman iaadvise ni OB kung alam niyang makakasama sa baby mo yun.

Need ng ultrasound from 1st trimester to 3rd trimester. :) Para makita ang growth ni Bby. Sa QC kaba sis. may alam ako na 100 pesos lang ultrasound and mura ang mga labs :)

Thành viên VIP

Mommy it's better mas maganda nga na sa first trimester meron ka ng ultrasound, para mas maaga makita ang development ni baby. Wala naman pong radiation ang ultrasound.

pa ultrasound ka na.. baka my minomonitor ob m kay baby e.. pra maresetahan k agad pag my hndi normal.. pra maagapan ung mga hndi maganda mangyayare

follow your ob. d naman sila magrerequire ng makakasama kay baby. on both my 2 pregnancies frequent ultrasound request and my boys are okay. 🙂

Safe mamsh ang mag pa ultrasound and much better para monitor mo si baby inside para alam mo kung healthy sya and ma advise ka ng ob mo

walang radiation an ultrasound. mas maganda ngppultrasound para nchechek mo si baby. mgastos nga lang. pero at least may peace of mind ka

Safe naman ang ultrasound mamsh. Xray ang may radiation na nakakasama kay baby. Hindi naman ipapagawa yan ng OB mo kung di kailangan eh.

Magpaultrasound ka sis para makita agad if normal ba Ang condition no baby sa loob para Kung may problem man maagapan nyo agad.

kailangan nyo po magpaultrasound para macheck po si baby and wala din pong radiation ang ultrasound. xray po ang may radiation