Seizure advice

Kaninang umaga bigla nalang nanigas, nanginig at nangitim yung baby ko, kaya itinakbo namin sa ER. natakot kami kasi hindi namin alam yung gagawin. Habang papunta kami tumigil yung seizure pero nanghihina at namumutla padin sya. Chineck yung sugar nya, normal naman. Nakatulog, tapos paunti unting bumabalik yung kulay nya. Ang pwedeng cause lang ay yung almost 2 months nyang ubo na walang lagnat, wala ding sipon. Hindi nakuha sa over the counter na gamot during ECQ. Nang nag GCQ na, nakapunta na kami sa pediatrician kaya niresetahan ng anti-biotic pero hindi nawala yung ubo, kaya pina x-ray, tapos binigyang ng gamot for 6months para sa primary complex. Pang 4days palang nya today. Ang sabi sa ER ipaadmit para maiunder observation, pero lahat ng puntahan namin na ospital puno, kaya o choice kami, uuwi nalang. Normal naman na ulit sya, parang walang nangyari sakanya kanina. Pero paano pang naulit? Ano pwede namin gawin habang nagse-seizure? Nakakamatay ba yun? Ano ang mga ways para maiwasan na maulit?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yes, pwede maging fatal ang seizure. kung pano mapreprevent? di po namin masasagot yan. doctor mas nakakaalam nyan. you should've asked all those things to the pedia. anyways, just make sure na on-time mga meds ni baby...and pray na gumaling na sya 🙏🏻

4y trước

Thank you po. Since wala talaga kaming nahanap na ospital buong araw, pupunta nalang kami sa pediatrician nya bukas.