Hi mommies. Possible ba na may baby na allergic sa milk?

Kanina lang kasi tinry ko painumin ng Bonna baby ko since kailangan ko siya sanayan mix feed kasi babalik na ako sa work sa May. Meron na talaga butlig butlig sa mukha at leeg nakaraan pa pero kanina namula ng husto mukha niya tapos nagkaroon ng pula pulang butlig sa binti at braso. Pati sa ulo at likod niya meron nadin. Naisip ko lang, baka reaction sa pag inom ng gatas. Possible po ba yon? Worried po kasi ako. Thank youuuu #

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes mamsh, possible po.. Actually kakapa check up ko lang kay lo ko kahapon, dahil nagkaron sya NG rashes sa mukha, 12days palang ni baby ko kahapon .. Nung nasa hospital kasi kami Wala akong milk, bumili ung mama ko NG formula milk kahit bawal sa hospital patago namin pinapadede, kesa naman po mamatay sa gutom anak ko, naiintindihan nyo din naman po siguro ko noh? Pag nanay na tayo D naman po siguro natin gugustuhin makita baby natin na nag umiyak, D ba? Back pa po milk☺️ ang binili ni mama ko "bona" sa 12days ni baby ko un at breastmilk ang dinedede nya, kasi po nung makauwe na kami dito sa bahay nagtyaga ako nag warm compress ang finally may lumabas NG milk, edi mix feed na po sya.. Kalaunan, tila lagi po syang kinakabag😞 napansin namin kada gabi iyak sya NG iyak, D malaman kung ano masakit. May time pa hinimas ni mama ko ung tyan ni lo ko napapikit sya sa sakit, edi matic na pong kabag.. Nilagyan ni mama ko NG manzanilla, ilang mins. Din nautot na, the ff day which is kahapon, D nako nag patumpik tumpik dinala napo namin sa pedia kasi Bukod sa kabag ung mukha nya tinubuan NG rashes, at first kala ko normal lang, kasi un naman sabi NG iba normal lang raw sa bata na nagkakaron NG ganon, pero nakakaawa napo kasi ung pisngi nya at sa may gawing noo nagkaron na din, ayun po sabi ni pedia possible na allergy sa milk kaya may colic at rashes sa face. Kaya nagsuggest sya NG milk na ipapalit sa bona "nan hw, nan sensitive, enfamil, s26" may ilan papo e, pero ang nabili ko nan sensitive best sya for colic, tas sa sabon D nya hiyang cetaphil, kaya nag switch na din kmi sa physiogel ai cream at physiogel bath.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pa check mo sya sa pedia mi para malaman mo kung ano ang cause nya. Doctor lng po ang nakakaalam ng lagay ng baby mo kung bakit sya nagkaroon ng ganyan.. at makakapagsabi sa gamot ni baby. Kung allergic si baby sa mga gatas dapat po sa born screening pa lang nakita na yan sa at inabisuhan ka na nila. Second baby ko kc ganyan tumawag sila s akin n may Galactosemia daw ang baby ko at hnd sya pwd sa milk lng kahit sa bf hnd pwd kundi soya milk lng ang pwd nyang inumin k.. Pero kung ikaw ay hnd nila tinawagan sa panahon na iyun safe si baby mo. Bka lang po baby acne yan kaya nagkaroon siya ng ganyan s buong katawan. Better po to consult a pedia po mie mas mainam po iyun.

Đọc thêm

yes po nung bonna p panganay ko nagkaroon sya parang mamaso,qng saan saan kmi nagpacheck up, antibiotics and cream kahit sabon nagpalit,pero after gumaling babalik n nmn ,nung nag 6mos sya nagpalit ng gatas di na bumalik un pla s gatas lang

2y trước

medyo napanatag ako. bukas pa kasi sched namin sa pedia 🥹 sobrang kawawa kasi pulang pula siya

yes my. yung bb ko po allergic sa cows milk , nagkaroon din sya nga mga butlig² sa katawan triny ko na lahat nga milk mula sa pinakamahal hanggang sa pinaka mura wala pa din yun pala di sya pwede sa cow ninreseta samin soya milk my...

2y trước

thank you mi! 🥹 try ko siya ulit sa ibang milk right after namin paconsult sa pedia pero if ever, okay naman po Lactum sa 1 month old baby diba?

ganyan din po akin normal lang po ata yan sa 1month na baby ung baby ko po 1month palang nag karon din ng butlig butlig sa leeg pati likod dahil po ata yan sa init ngayun po nawala na ung akin dpo sya breastfeed

Post reply image

baby ko din po noon madalas magkarashes sa face and body noong bonna pa milk nya kaya nung naconfine sya sinabi ni pedia na di maganda bonna kaya nag change kami ng Formula Bonna to NANinfiniproHA

ganyan din sa panganay ko dati..buong katawan nagkapantal sa bonna, tsk palitan mo gatas ng baby mo mi.

Baka po lactose intolerant si baby, punta po kayo ng pedia para maassess at masabi ano gagawin niyo.

Yes may ganun po. Pacheck up mo sa pedia mi para ma assess at makapag recommend ng gatas para kay baby

2y trước

thank youuu po! 🥹

Ganyan din si baby ko sa enfamil. Nagpalit ako ng s26 gold then oks na si baby

2y trước

S26gold den recommend ng pedia ni baby 12days na baby ko