Kami lang ni baby sa bahay since nasa abroad si husband. And napakalapit lang from our house yung house ni in-laws. From my POV, pwede naman sila yung bumisita sa bahay kung gusto nila makita si baby, hindi yung kami pa yung pupunta dun. Going 10 months la lang si baby. First, pagod ako sa gawain sa bahay and sa pagaalaga. Second, hindi sila nagrereachout sa needs ko kahit napakalapit lang, knowing na solo lang ako sa bahay with baby. Laging family ko yung pumupunta kapag may need ako and kapag magbibigay ng ulam. Third, hindi ko talaga bet inlaws kasi feeling nila sila nagluwal sa anak ko, possessive.
What to do? Sundin ko ba asawa ko na pumunta pa rin minsan sa bahay ni in laws?
Anonymous