Paano nyo po inalagaan tahi nyo sa bandang pwerta? Normal delivery po

Kakaanak ko lang kahapon. Grabe sobrang sakit pala ng tahi tapos puyat ka talaga dahil hindi mo alam paanong pwesto ka hihiga. Paano nyo po napabilis mapagaling tahi nyo? And paano po kayo nakakahiga mg ayos or tulog? 🥲 #firsttimemom #pleasehelp #FTM #firstbaby #firstmom

18 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako mi hindi ko nagawang gamitin moderately yung betadine fem wash kasi sobrang sakit talaga ng tahi ko at gustong-gusto ko na siyang humilom. after 2 weeks, completely healed na po siya. tas eto 3 weeks na si lo ko nakakaupo at nakakagalaw na ako maayos. hindi ko ginawa ung bayabas thingy kasi walang bayabas sa amin hahaha kaya siguro medj natagalan din healing process ko. ang hirap lng sakin ngayon ang hindi ako makaupo fully kasi sobrang sakit pa ng coccyx ko (tail bone), bale hindi ako umuupo agad, kundi naka lean forward lang ako tapos kapag uupo ako ng straight, nag dadahan dahan ako. sa tahi ko, nakakapa ko parin ung tinahi na part sa vagina ko hanggang puwet, pero d na siya gaya ng dati na sobrang hapdi. ligo lang din po kayo mi, at always i wash ang pempem ng betadine fem wash, tsaka after maghugas, punasan or pat pat mo lng ng malinis na cloth private part mo, tas ayun mag napkin ka na or diaper. huwag lang kalimutan magbihis agad kapag feel mo na malagkit at basa na down there. sa pagtulog ko naman, nasa kanan na puwet ko kasi ung hangganan ng tahi ko, kaya ung tagilid posisyon ko ay nakaharap ako kanan para naiipit ko lng ung kirot ng tahi ko. tas minsan nag dadahan dahan akong tumihaya. un lang mi God bless mi, kaya mo yan, kakayanin😁

Đọc thêm

para saakin okay pa sa betadine wash at yun ang recommend ng dr. ko pero yung sa bayabas na pinakuluan at mag steam or something no po.. kasi pwede pong mag cause yan ng pag kabuka ng tahi mo. siguro pwede kapag malamig na ipang hugas mo pero sabi ng dr. ko e pwede un mag cause pa ng infection.. saakin po nong Oct. pa ako nanganak pero nainfection din, kasi un din ginawa ko kasi yun ang mga pinangaral sakin ng mga matatanda na di this thing na (bayabas nga ) kasu bumuka na nga pero okay na yung bandang malapit sa pwet ko na tahi dumikit na pero sugat parin yung sa bandang pwerta ko kaya hanggang ngayon nag gagamot parin ako. wag mo din pilitin na gumalaw galaw kasi lalong bubuka yan at laging mag palit ng napkin at hugas.. that's all, i hope it will help you.

Đọc thêm
1y trước

@nami maruta, NO hindi po true yan just do your normal thing sa pag ligo at pag wash ng private part

Yung sa first baby ko after 2 days ko sa hospital , nagpakulo ako dahon ng bayabas. Pag lukewarm na sha, yun yung silbing pang last hugas ko every ligo. Pero dun lang sa private part. 1 week ko gingawa yan, sa tuwing iihi ako nag dadab ako ng cotton na sinawsaw ko dun sa katas ng pinakuloang bayabas. Every day po parang 8x a day ako nagpapahid ng cotton it. Para sakin lang ha, effective sha kasi 1 week after nag dry agad yung tahi. Yan din gagawin ko after ko manganak this january for my 2nd baby.

Đọc thêm

Hindi inadvise sakin yung paghugas ng mainit. Hindi rin ako gumamit ng mga dahon dahon. Pagka discharge may binigay sakin na pang spray sa tahi, Hyclens. Ini spray everytime gagamit ng cr. Effective yun, ang alam ko meron sa shopee. Tapos wag ka magi squat kahit na nagbi breastfeeding ka. Dun ka lagi sa position na pinaka comfortable ka. Ako nga noon nakatayo na kumain e haha hirap kasi umupo

Đọc thêm
Influencer của TAP

betadine fem wash every magpapalit ng napkin and every 4hours or at least 3x magpalit ng napkin para di mapunta ung bacteria sa sugat. then after mag wash, pwede ka po mag spray ng perineal spray. it helps soothe and lessen the pain and the burning feeling under. then wag po muna magkikilos at iwasan umire. 🙂

Đọc thêm

betadine feminine mi ihugas mo sa pwerta mo kpg naligo kna tas after nun steam mo sya sa nilagang bayabas lagay mo sa timba tas upuan mo pra mausukan yong hnd sobrang init katamtaman at maglagay ka alcohol sa napkin bago mo ilagay sa panty at isuot...

1y trước

ako unang sinabi ng doc saken nung nagrounds after ko manganak, wag ko lalagyan alcohol napkin ko hahahaha, alam na agad nya na yun yung sasabihin ng matatanda 🤣 pero ung pinakuluang bayabas ginawa ko yun pero di araw araw. betadine fem wash ang lagi ko ginagamit, and narealize ko rin na kusa magheheal ung wound down there as time goes by. 2weeks na kase after ko manganak and nakaka upo nako maayos unlike noon na napapangiwi ako pag nauupo also ang hirap magpoop, mas masakit pa yon kesa sa labor e hahahaha, nararamdaman ko na nakaumbok parin tahi ko pero di naman na ganon kasakit and bukas follow check up ko for IE, kabado bente hahahaha

gumamit ng fem care na feminine wash at tsaka antiseptic spray na Hyclens effective sa mi try mo.. then nung naubos ang Femcare, nag Gynepro na ako. pag may tahi wag mo hugasan ng pinakuluang bayabas kasi matagal malusaw ang pinantahi sayo

Sa first baby ko ambilis gumaling ng akin basta kada ligo,ihi,tae ko naghuhugas ako ng betadine feminine wash wag ka maghugas ng maligamgam matutunaw agad ang tahi ending pede bumuka tahi mo kaya ung tubig sa gripo lang sapat na.

Influencer của TAP

Avoid lang po tayo mommy sa pagsquat kasi nakakabuka daw po yun ng tahi sabi ng OB ko. Alagaan din daw sa feminine wash, ang nirecommend sa akin is GynePro parang 70+ lang yung maliit na bottle. Di ko pa naubos pero naghilom na yung tahi.

betadine feminine momsh yan gamit ko, hindi ako masyado nahirapan pagka panganak ko hindi ko iniinda yung sakit basta momsh linisan mo lang palagi with betadine fem.