Prenatal checkup

Kailangan po ba monthly yon and ano po ginagawa kada visit? Ang mahal din po kasi first visit ko, consultation pa lang 800 na, 1k mahigit sa unang ultrasound at 1600 pap smear. Hiwalay pa po mga niresetang meds. Advice po please. TIA #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls

33 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ang mahal ata ng consultation fee mamsh? ako halos 1,200-1,500 per month kasama na consulation fee and prenatal vitamins good for 1month. di naman po monthly ang ultrasound. usually pag una lang then ultrasound para malaman yung gender or pwede rin naman Congenital Anomaly Scan around 5/6months para detailed.. okaya naman 4D ultrasound(mas mahal) pag nasa around 25w-30w na, optional lang naman kung gusto makita face ni baby hehehe. usually kasi minomonitor lang yung heartbeat ni baby and kung may concern ka or problems habang nagbubuntis. hehe medyo magastos nga ang maging preggy pero feeling ko mas magastos pag andyan na si baby 😂 pero masaya naman. god bless!

Đọc thêm
4y trước

thank you po, recent cancer survivor po kasi ako tas first ultrasound ko may Bradycardia daw po baby. inaanxiety nga po ako lalo dahil hindi ako pinanagutan pero sobrang excited din ako makita baby ko at the same time kasi akala ko talaga infertile na ko haha

sa akin 450 lang bayad ni doc subrang bait pa,,anytime pwede ko sia ma contact pag may prob ako sa baby ko,,,tas nagbibigay sia ng resita kahit sa viber lang wlang bayad,,,and then sa ultrsaound naman 800 lang ung bayd don sa ultrasound center mahaba lang ung pila pero worth iit namn kc makuha mo agd result pagkatpos,,us of now medyo magastos palang kc nag take ako ng pampakapit ang mio 80+ lang nman ung isa at 3x day mopa un inomin...pero ok lang us.long na mas ok c baby at healthy kahit mabutas bulsa nmin ok lang💕💕😂 #first time mom

Đọc thêm
4y trước

same po tayo sa pampakapit haha san po location nyo? yung oncologist ko po ganon din e kaya akala ko okay yung nirecommend nya sakin na ob. well, okay naman po nung nakausap ko sa personal pero di po makausap sa text o chat. yung virtual consultation ay 700 agad 9 mins lang grabe.

hanap po kayo lying in n malapit po s inyo mas mura ang checkup baka nman po kc s private kayo ngpapa check my kamahalan po talaga dun. s public hospital din po wala bayad ob din nman po ang mkakausap nyo po.. tyaga nga lng tlaga. labs & ultrasounds tlaga my bayad pero pede nman po mag ask s knila kung san my mga mura n ultra at laboratory.

Đọc thêm
4y trước

s private din ako.walang bayad ung check up at ultrasound.ung gamot lng may bayad.mas mura p s mga drugstores.mura lng din ung bayad s lab.

Yes po. Para kay baby. If you want, pwede ka po pa check up OPD sa government hospital. Ganun po ginawa ko. Tas lab test sa labas nlng since kasagsagan ng pandemic. Pwede rin health center siguro. Tas dun na ospital na rin ako nanganak. Yun lang sacrifice sa lahat ng health protocols para safe kayo ni baby

Đọc thêm
4y trước

natatakot po kasi talaga ako makipagsabayan sa public places e. kamusta naman po experience nyo?

ako din sis 800 check up sa vitamins at gamot sa kinsenas kulang pa ang 5k. nakakadalawang balik ako doctor ko sa isang buwan minsan higit pa kse maselan ako. pero okay lang kse ayoko na po ulit mawalan ng baby. awa ng Diyos ngayon okay okay na ako sa public na ako nagpapacheck up para walang bayad.

4y trước

ayun nga din po kinakatakot ko lalo may bradycardia daw po baby ko e sobrang laking blessing sakin nito dahil cancer survivor po ako. pampakapit ko pa 80php each tas 3x a day, wala po akong work ngayon at wala din asawa pero lumalaban po ako at buti nakakaraket pa

try mo po magpalit ng OB or clinic. every check up ko 400 ob mismo ng check up sakin. tinitignan kung gano na kalaki ang tyan mo, ang heartbeat ni baby, sinisilip din through ultrasound si baby ko, ask c ob if kmusta narramdaman ko , remind ng bawal at mga dapat gawin.

Since may doctor sa family, dun nalang muna ako nagpapaconsult. then monthly sa center ako nagpupunta, dun din ako nakakakuha ng libreng folic + iron na tinatake ko ngayon.. If need naman ng lab tests, sa public hosp ako nagpapagawa since mura lang ang bayad samin.

OP here, recent cancer survivor po kasi ako kaya natatakot din ako basta bastang lumabas at magpacheck sa hindi ko po kilala. Kung may mairerecommend po kayo dito sa Malolos Bulacan, sobrang maappreciate ko po. Thank you po sa lahat ng sumagot at sasagot pa 😊

ganyan din po saken, 3k+ unang check up ko. tas sa mga sumunod mas bumaba naman mga 1500 nalang po pero ang check up lang talaga sa ob ko 700 lang, iba pa yung mga gamot. pero as long as san safe si baby wala pong problema sa gastusin ❤️

buti po kau hindi high risk pregnancy, kaming my mga apas, kulang ang 10k kada week na check up 😔 pero kinakaya para kay baby 😊 ang rason nlng nming mag asawa, kikitain p rn namin yung pera bsta healthy c baby 😊

4y trước

high risk din po ako sis kasi prone pa po ako magrelapse sa lymphoma at may bradycardiasi baby. kakatapos ko lang po ng chemo last year and unexpected blessing na nabuntis po ako kahit akala naming lahat infertile na ko. buti po may partner kayo na makakapitan ngayon, ako po kasi hindi pinanagutan kaya ginagawan ko lang ng paraan ngayon para makaraos po