Hindi sigurado sa EDD

Kailan po kaya yung susundin po namin na EDD ni baby. Alam naman po namin na dapat yung susundin is yung unang lumabas sa ultrasound ni baby pero nung time po kasi na yon hindi po sure yung OB namin sa LMP ko since super delayed po ako non and irregular talaga mens ko. Bale ang nilagay nalang niya is June 9 then sa mga sumunod na ultrasound namin laging ahead na ng June 9 yung result hanggang sa mag CAS kami last 4 weeks ago lumalabas is May 31 bale kung susundin yung june 9 pang 26 weeks ko palang yon pero sa laki ni baby pang 28 weeks na siya which is tama for May 31 then after nung CAS nagkaroon na po ako ng mga sudden contraction and pain sa aking private area na parang si baby is naghahanap na ng way niya going out. Tho next check up naman namin sa Ob ko next week tatanong ko parin pero kayo mga mami na naka experience. Kailan po kaya? First time mom po kasi. #salamat_po_sa_pagsagot #worriedmomhere #newmom #adviceplease #firstmom

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

may +/- 2 weeks po ang edd