CORD COIL SI BABY

July 5 2020💖 via Normal delivery 3.5kls and 9 hrs of labour. Saktong 39 weeks ko kahapon kinausap ko sya na labas na sya wag na nya pahirapan si mama, 2 am pahilab hilab na tiyan ko pero dko pinapansin tuloy lang sa tulog. 2:30 tumayo ako kasi every 8 mins sumasakit na puson at balakang ko, edi lakad lakad ako sa loob ng kwarto, walang lumalabas sakin na mucus plug kaya dko alam na labour na pala yun. Puro plain na sipon lang ksi nalabas sakin, di tulad sa panganay ko na brownish na sipon. Then paikli na ng paikli yung oras ng hilab nya naging 5 mins pagitan, sabi ko sa asawa ko nag lalabour na nga ako. 5 am naglakad lakad pako ng 1hr bago pumunta ng lying in. 7 am pumunta na kmi at na ie nako 7cm na, nagtataka yung ob ko kasi wala ngang mucus plug na nalabas, kahit panubigan wla din. Antay pa ng 3hrs para mag full cm nako kaso na stock na sa 7cm, dun nako ininduce labour, 11:34 babys out, naka cord coil kaya pala di sya bumababa buti daw nainormal ko at ok si baby, nakatae na din sya sa loob pero awa ng diyos di sya nakakain pero still observation padin. Kaya sa lahat ng mommy jan lakasan nyo lang po loob nyo, sana makaraos nadin kayo🙏💖

CORD COIL SI BABY
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Congrats sis❤ Just always pray po. Get well soon baby😊

Thành viên VIP

Congrats and welcome baby 🥰 mgkabirthday tayo ❤😊