JANUARY 31, 11pm nag-start mag leak ang water ko. 36weeks4days palang ako that time.
Pag dating sa ER 1CM, derecho admission, waiting if mag progress ang labor.
FEBRUARY 1: IE sakin ng 4am; 1cm pa din kahit may mga nararamdaman akong contractions.
6am - pine prepare na ko for CS. Nakiusap pa ko sa OB ko na mag hintay at baka bumuka pa naman sa cervix ko kaso ayaw na nya mag risk at baka matuyuan pa ng water si baby.
pagka-hiwa, cord coil naman pala at una ang likod na ulo ni baby kaya hndi mag progress.
GRABE! haha napaaga masyado si baby, excited lumabas. Salamat pa din healthy si baby at no need mag incubator kahit kulang sa days. Nakakalungkot lang na since FTM, we are really planning na mag normal delivery.
mga momsh! ready talaga kayo in advance. we'll never know talaga. Praying for a safety delivery sa lahat. 😘