Worth the pain ❣😍🤱

JAN ELISE DE OCAMPO ATIENZA September 30, 2020 @ 12:58 am 3.4kilo Via NSD Duedate via LMP: Sept. 30, 2020 Via UTZ: October 2-3, 2020 Medyo mahaba yung salaysay ko pero sana pakibasa lalo sa mga soon to be nanay dyan. 😍 Sept. 29, 2020 @ 2am - nagising ako dahil sa saket ng balakang ko hanggang puson pero tolerable naman nkapag handa pa ako ng almusal at baon ng asawa ko non. @ 6am - dito na nagsimula yung sobrang sakit napapasquat ako pag naglalakad ako, di pa ako nagpa dala sa Lying in non kase takot nga ako ma.IE @ 8am - waiting ako sa discharge kaso wala lumalabas. Naligo na ako non baka kako bigla ako manganak, ilang minuto pagtapos ko maligo naiihi na ako, then tadaaa sobrang dami ng dugo na nailabas ko, pero inaantay pa namen na pumutok panubigan ko bago pumunta ng Lying in. (Fastforward) @ 5pm - seconds nalang ang binibiling kada sasaket puson ant balakang ko sobrang hilab na pero keri pa. Nakakakaen pa ako tas lakad pa ako ng lakad. @ 7:30pm - pagtapos maghapunan nagdecide na kame pumunta ng Lying in kahit trauma ako magpa ie kelangan na kase di na nawawala yung saket. @ 8pm - nasa Lying in na kame, ie na ako at ayun na nga 7-8cm na pala ako that time then sya na nagpaputok ng panubigan ko, sabi pa ng midwife hanga daw sya kase sa sobrang takot ko magpa IE natiis ko yung pain ng napakadaming oras at ayun nga malapit na ako manganak. @ 9:30pm - sinaksakan na ako ng dextrose at buscopan para humilab na ng sobra, sobrang saket panay squat ako para lang ma lessen yung pain at syempre buti andon ang mama ko tagahilot sa balakang ko 😅 @ 10-11pm - ie ulit at ayun nga fully dilated na ako nag aaral na ako umire pag humihilab syempre first time di ko pa nahahabaan pag ire ko kaya di pa makalabas si baby. @ 12am - di ko na kinakaya yung hilab lakad lakad pa ako tas pag humihilab squat na ginagawa ko para lumabas na sya naaawa na ako ke mama kase sakanya ako nakakapit at kumukuha ng pwersa. @12:40am - nagpadala na ako sa Delivery room di ko na talaga kaya napapagod at inaantok na ako kelangan ko na sya ilabas dahil medyo green na panubigan ko delikado na kay baby. @ 12:50am - Naka apat na mahabang sunod sunod na ire ako plus nag pufundamental push na yung assisstant ng Lying in saken. Ginupit pwerta ko hanggang sa pwetan, pasalamat andon si mama na nakasuporta saken. @12:58am - BABY IS OUT!! but nag 50-50 pa ako dahil inaagasan ako ng dugo ng walang humpay, andon na yung nilagyan na ako ng oxygen dahil hirap na ako makahinga, kabado sila at pilit daw ako ginigising dahil nga delikado ako, tinurukan ng gamot yung dextrose ko para lang mawala yung pagdudugo. Sobrang dami ng nangyare pero ang nasabe ko na lang "THANKS GOD" at "THANKYOU MAMA" Napaka sarap sa feeling na marinig ko yung unang iyak nya at unang halik ko sakanya 🤱😊👼 Maraming salamat sa mga tao dito sa app na nakakadamay ko nung natatakot na ako dahil malapit na duedate ko. Sa mga soon to be nanay dyan yaka nyo yan!! Mapapasabe nalang den kayo ng ayoko na umulit paglabas ni baby ahahaha! Salamat sa pagbabasa 😍😊 godbless!! #firstbaby #pregnancy #1stimemom #theasianparentph

Worth the pain ❣😍🤱
36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congratulations ❤️