Di mo ba napanood ang webinar na LAMOKS not OKS: Mga Paalala Tungkol Sa Mga Sakit na Galing sa Lamok

I've learned a lot nung nakaraang webinar sa theAsianparent Philippines entitled "LAMOKS not OKS: Mga Paalala Tungkol Sa Mga Sakit na Galing sa Lamok" . at ilan sa mga nalaman ko dito ay ang mga ito: 🦟hindi lang dengue ang pwede nating makuha na sakit tuwing tag-ulan. maaari rin tayong magkasakit ng Leptospirosis (kung lulusong tayo sa baha na may sugat at ang tubig ay naihian ng daga), pwede din magkasakit ng Influenza at kung ano pang mga water borne infectious diseases. 🦟may 3 group o klase ng lamok na nagdudulot ng iba't ibang uri ng sakit tulad ng Dengue, Malaria, Japanese Encephalitis, etc. 🦟hindi lang lamok ang vector ng sakit kapag tag-ulan. 🦟ang dengue, japanese encephalitis at chikungunya ay mga vector-borne diseases na walang gamot pero naiiwasan naman. Paano sila iiwasan? 🧹linisin ang paligid at siguradohing walang mapapangitlogan ang mga lamok. 🧹kung maari ay panatilihing sarado ang buong bahay at lagyan ng screen ang mga pinto at bintana. 🧹magsuot ng matitingkad na kulay ng damit at gumamit ng mga screen repellent lotion at spray. safe daw po ang DEET..ang hindi safe ay ang DTE na sangkap. 🧹pwede naman gumamit ng katol, mosquito swatter /zapper o magpa fogging. 💉may bakuna na panlaban sa yellow fever at japanese encephalitis - kung afford mo, pwede kang magpabakuna para dito. At higit sa lahat, 💉kumonsulta agad sa doctor kung ikaw ay nilagnat o nagkasakit na. Sa laging paalala, health is wealth at prevention is better than cure.. kung gusto mong balikan ang nakaraang webinar, click mo lang ang link na ito: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2000285070131303&id=1002643493228804&viewer=1002643493228804&paipv=1 Syempre, join ka din sa Team BakuNanay Facebook group. ❤️💉 #TeamBakuNanay #ProudtobeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkForAll #vipparentsph #mamadisay #twinmom #momoftwins #momof5 #mommyblogger #mommybloggerph #mommybloggersphilippines #bloggermom #bloggermomph #bloggerph #momblogger #mombloggerph #momfluencer #momfluencerph #davaomommycontentcreators #davaomommycontentcreators

Di mo ba napanood ang webinar na LAMOKS not OKS: Mga Paalala Tungkol Sa Mga Sakit na Galing sa Lamok
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

thanks for sharing! timely at maulan na naman

Thành viên VIP

Super daming lessons💪🏻💪🏻