move on quickly

I've became a single mom a week ago nakipaghiwalay yung partner ko dahil wala akong gana makipagsex and for the sake of his selfishness na ipursue yung babaeng nagugustuhan nya.. Sa mga nakaexperience po ng break up paano nyo po naovercome agad? Sobrang sakit po na parang pinamukha pa sayo na mas better at mas kaya nya respetuhin yung ibang babae. Paano dapat usapan sa child support, magsusupport naman daw sya sa baby namin..

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same tayo 3months pregnant nako nung malaman ko na niloloko ako ng fiance ko nanahimik ako non kase hinihintay kong dumating yung araw na aaminin niya sakin yung ginagawa niya kaso hindi siya nag papahalata na mag kalokohan siyang ginagawa, one night kinompronta ko siya tinanong ko siya kung bakit at ano yung dahilan sinabi niya sakin na dahil daw sa ayaw kong mag pagamit sa kaniya kaya niya nagagawang lokohin ako .nung una nasaktan ako kase akala ko naiintindihan niyang buntis ako wala akong gana sa s3x pero dun ko napag tanto na hindi pala that night nung mapag usapan namin yun humihingi siya ng kalayaan sakin dahil may nagugustuhan daw siyang iba dahil mahal ko yung tao pinalaya ko nag usap kami about sa sustento at responsibilities niya sa bata gumawa kami ng agreement sa legal na pamamaraan na walang pakialaman sa buhay ng bawat isa.. alamko maraming mag jjudge sakin dito pero alam niyo kung bakit ko pinalaya ng ganun lang? kung dadamdamin ko yon baka mapano ako at ang baby ko, kungmag sasalita, magagalit bako may mangyayare ba? kaya hinayaan ko.

Đọc thêm
1y trước

totoo yan mhie, kaya nung iniwanan niya ako pumayag ako para saan pa para ipagpilitan ko yung sarili ko diba? alam ko maraming nanay ang mag sasabi ng ganito “ayusin niyo para sa anak niyo” sa totoo lang po para meron kayong kalinawan sa lahat MADALI PONG SABIHIN PERO NAPAKAHIRAP GAWIN kung pipilitin po namin ang pag sasama naming dalawa dahil sa anak namin wala din kaming kapayapaan kasi syempre lahat ng bagay pag aawayan namin, magsisisihan lang kami ng mag sisisihan hindi naman siguro magandang habang lumalaki yung anak namin ganon yung nadidinig at nakikita niya sa paligid niya iba na kase yung mga bata ngayon kung ano yung nakikita nila sa mga magulang nila naiaapply nila sa sarili nila at yun yung kinakatakot ko pero alam kong maliliwanagan din mister ko hindi man ngayon pero siguro sa mga susunod na buwan, taon. maiintindihandin naman ako ng anak ko pag dating ng panahon na wala akong ibang intensyon sa kaniya kundi ang mapabuti siya.

Me as a ma-pride na nanay. If kaya mo naman po isupport mag-isa yung bata, wag mo na po syang hingian ng suporta para mawalan na sya ng karapatan sa anak nyo. Mostly kase yung mga nakikita kong nagkoco-parenting di naman nasusunod ung suporta, ending yung nanay pa nagbe-beg para mag-bigay yung guy. Kase di priority ng guy ung supporta sa bata, inuuna muna personal needs, pag may tira-tira dun lang magbibigay. Lalo na now, sabe mo may new girl sya, nako! di ka nga nya napanindigan, anak nyo pa kaya. Just my two cents. i dont want to give him any benefit of the doubt, so sorry na 🥲 Pero if di nyo po talaga kaya, u have the law backing u up. Maraming rights and protection mao-offer law naten for you. Anyway, stay stronger than ever. Kaya mo po yan!🔥

Đọc thêm

1 year and 6mos old ang baby ko nung napatunayan ko finally na may iba ang fiancee ko, what's worse is 1st anniversary nila a day after ko maproved na may other woman. Masakit. Sobrang sakit mommy, it's been 7mos already pero feels like yesterday. Pero laban lang ng laban para sa ating anak. Ang anak ko ang naging lakas ko para magmove forward sa buhay, kailangan ako ng anak ko. Regarding sa support, sinabi din nya na he'll support KC alam nya responsibility nya sa anak nya. that's his term "responsibility", but guess what until now ni piso wala syang nabibigay. At alam kong wala akong aasahan sa kanya,kaya naghanap ako ng work para samin Ng baby ko. Kaya mo yan mii, laban lang.

Đọc thêm

minsan nakakastress din satin eto yung mga ganitong scenario kase buntis tayo. iisipin natin siguro panget na tayo or dina tayo worth it kaya pinagpapalit tayo sa iba. pero always remind yourself na eto lang yun after you gave birth and a little months magiging maayos yung pangangatawan natin. at magiging proud ulit tayo sa sarili natin. ang totoo hindi naman tayong mga babae ang nawalan dahil iniwan tayo. kundi yung mga lalake nayun kase ang saya nila sa pagpapakasarap sa buhay hindi naman pang habang buhay kundi pansamatala lang. sila ang nawalan kase ung pamilyang dapat nasa kanila na pinakawalan pa nila.

Đọc thêm

Masakit talaga sa umpisa mommy, at hindi ko masasabi sayo until kailan pero I can assure that you that time heals all wounds ☺️ Be kind to yourself, give yourself some time to grieve, and don't take it personally. Darating ang panahon na magpapasalamat ka na lang at nagkahiwalay kayo *Hugs to you! Sa usapang child support, better kung may written (and notarized, kung pwede) na kasunduan kayo. Kahit hindi kayo kasal, kung acknowledged naman nya sa birth cert yung bata, hindi kayo mahihirapan maghabol kung sakali mang takasan nya ang responsibilities nya sa bata.

Đọc thêm

no girl, don't think na kaya nyang respetuhin yung ibang babae. like hello? ikaw nga di nya marespeto sa self space mo like buntis ka, porket ayaw mo makipag do eh hihiwalayan nya. pano kung mabuntis nya din ung iba? u know, YOU respect your self, and congrats! kase hindi ka na nya Parausan. kase kung kontento sya sayo, di lang s3x gusto nya sayo, ikaw at ang baby mo, ang makasama kayo. kaso naghanap sya ng iba, so ending di ka na nya parausan, iba nalang. dibaaaa

Đọc thêm

Focus on the positive.. Which is your baby.. Let the negativity be washed away and ang mag shine through is yung pagmamahal mo s baby mo. Chka mo na isipin Kung gusto mo pa ukit nagkaroon ng partner. Sa ngaun priority mo dapat ang anak mo. He/she needs you.

kailangan nyo mag karon ng kasulatan sa brgy if hm yung support na kailangan nyang ibigay sa baby nyo. focus sa sarili sa sa baby. show him na hindi sya kawalan sa inyo at you deserve much better.

usapan pagdating sa bata mas maganda sa brgy. kau mgausap para mas legal at wlang kawala karapatan mo yun for the sake of ur child at hindi pagiiskandalo oh pamamahiya yun

same, iniisip ko na lang na walan ako ng problema lolll hindi ako ma feel insecure kasi for sure uulitin nya lang dun sa girl un. that's all thank you