Ito nga po. Nabuntis ako ng bf ko. Adventist sya and pinipilit nya ako magpalit ng religion para makasal at mabinyagan ng adventist ang anak namin. Kaso yung nanay ko ayaw ako payagan magpalit. Mamatay muna daw sya bago ako magpalit. Nirerespesto ko ang nanay ko kaya ni explain ko sa bf ko yun. Sabi ko hindi ko kaya malungkot ang nanay ko tapos un pamilya ng lalake magiging masaya since lahat sila adventist. Tapos nag away n kami ni bf ito yung sabi nya “hindi rin magiging masaya ang nanay mo kasi un anak ko adventist ko papabinyagan” at ito pa “pag asa dubai na tayo dun ka magpapalit ng religion, tapos oag uuwi ka ng pinas mag simba ka pa rin sa catholic” tama ba sya?
Naguguluhan ako mga mi. :( help naman.
Nag eecho sa akin yung hindi magiging masaya ang nanay ko.