My experience as a working student and a mum 🥹

Hello, Ito ang experience ko bilang isang working student na nanay Sa umaga gigising ako ng 4am swerte na yun kung nakatulog ako ng kaunti dahil 1 month old pa lang si baby minsan walang sleep. By that time mag hahanda at plantsa na ako ng damit ng partner ko at mag luluto minsan o kaya bibili aa labas ng almusal. Matatapos ako ng pag asikaso sa kanya siguro 7am or 7:30am dahil sa sobrang dami nyang utos minsan ayaw nya pa yung inihanda kong damit kaya ulit na naman sa simula. Ultimo cotton buds na abot kamay na lang nya at cream ako pa mag papahid sa paa nya. 7:30 to 8:30 mag start na ako nyan kumilos sa bahay para bago umalis ay ok na ang lahat, kahit na andito ang mama ko sa bahay namin ay ayaw ko syang pagudin dahil tinutulungan nya ako kay baby sa pag bantay pag may pasok ako. By 9am nakaalis na ako papasok na sa school. Madami akong naiiwang kung ano anong gamit ko dahil aa dami kong iniisip. 4th year college na nga pala ako at OJT na pag lunch break dun ako nag nanakaw ng tulog di na ako kumakain aa bahay na lang para tipid kasi lagi nag hahanap ng sukli ung partner ko sa baon ko di nya alam na ang mahal ng pamasahe. Sa School dun na din ako nag wowork check check ng email sabay na, ang sweldo ko ay pambayad ng bills at rent sa house all in walang tira hehe. Pag uwi ko ng bahay iisip na ako nyan ng ulam aasikasuhin ko na ulit ang bahay nakakauwi ako mga 3 or 4 padating na si partner nyan dapat nakahanda na din ang mga damit nya at nakahain na pag kain nya by that time. Pag dating ng 5 ako na nag aalaga kay baby tapos andami pa din utos ng partner ko hanggang sa makatulog na sya. Ako gising pa din hanggang umaga. Minsan 2 hours lang sleep ko kaya akoy dinadala sa clinic palagi pag ojt kasi madalas parang nahihilo na ako sa pagod at puyat. Hindi ako nag rereklamo mahal ko kasi sila, 1 week pa lang yata after ng manganak ako CS pa yun ay ganito na ako kumilos na ako agad. Minsan nakakaiyak dahil sa pagod pero ganun siguro talaga. Pahingi na lang ng prayers na sana makagraduate na ako 😊 mababa kasi tingin ko sa sarili ko kahit dami kong sakripisyo. Ayun lang ❤️

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. I myself is contemplating on studying again with different course, kaya binasa ko itong post mo hoping na may male-learn ako about how to juggle school and motherhood. Pero walangjo! Hindi ako natuwa sa nabasa ko, na-trigger lang ako sa situation mo. I will assume na hindi pa kayo kasal since partner ang tawag mo at hindi husband. Yung ugali ng 'partner' mo, hindi yun "ganon siguro talaga". Hindi mo nga siya matatawag na partner dahil hindi naman siya tumutulong sayo, mukhang AMO mo siya na pinagsisilbihan palagi, napaka spoiled, dinaig pa newborn niyo sa sobrang pagka-alagain. Kuripot pa. Mahal mo, pero sa ginagawa sayo hindi ko nakikita pagmamahal niya para sayo. Tapos hindi mo pa makita selfworth mo. Husband ko, may mga time na siya na nag-aasikaso sa sarili niya at samin before siya pumasok sa work. Pagkagaling ng work, maliligo magbibihis, may time magsasaing na yan ng kanin kapag hindi pa ako nakapagsaing, maghuhugas siya ng plato, siya rin nag-iinit ng tubig at nagpapaligo sa anak namin. Kapag tulog na anak namin or sinabi kong wala na akong kailngan kaya ko na magisa, saka siya magbibigay ng time sa sarili niya para mage-exercise. Hindi niya ina-asa sakin ang gawaing bahay, dahil naiintindihan niya na hindi natatapos ang role niya sa pagiging provider, alam niya ang role niya sa loob ng bahay as a husband and father, YUN ANG TUNAY NA PARTNER. Aalagaan niyo ang isa't isa hanggang sa pagtanda. Kung hindi mo nakikita mga kamalian niya ngayon, at sarili mong worth, sinasabi ko sayo darating ang time madi-drain ka at mafi-feel mong taken for granted ka sa lahat ng mga ginawa mo. Nakakawala ng love ang pagiging drain.

Đọc thêm

Hugs and prayers sayo, mommy. But I hope that sooner or later, you'll have the means and courage to leave your partner. I'm not saying that people are incapable of changing for the better but if and when they do, it will NOT be because you wanted them to. We can't really change other people no matter how much we try or love them, or kahit ipagdasal mo pa sila. Sila lang ang makakagawa noon sa sarili nila, at KUNG gugustuhin nila. For your own and your child's sake, I suggest you leave your partner (I assume hindi pa naman kayo kasal). The mere "status/ label" of you having a partner, and your child having a father is nothing. Don't let other people's opinion of you define your happiness. Ang tanong: is your partner the kind of husband/ father that you want in your life? Kung lalaki anak mo, baka gayahin nya lang tatay nya paglaki nya. At kung babae naman anak mo, baka isipin nya na ok lang na ganyan trato sa kanya ng mga lalaki. Yung ganyang asal ng mga lalaki ay quite common but is NOT normal. Marami pa pong matitinong mga lalaki dyan na magmamahal sayo nang tama. Learn to love yourself first and know your worth. So that if and when the right person comes, you'll be ready to accept him in your life. And even if he doesn't, I actually believe that it's better to be Single than to be in a relationship with the wrong and toxic person. Isipin mo, wala na ngang ambag sa buhay mo, pabigat pa. Ano yung sense? He's not worth it. Hugs ulit sayo and kudos sa pagiging mabuting ina, anak, estudyante... at partner na rin (although he doesn't deserve you). Good luck and God bless po sa inyo 🙏

Đọc thêm

Yung sitwasyon ko naman gusto ko mag-aral pero ayaw ako suportahan ng asawa ko kahit magtrabaho ayaw niya. Mataas yung ego ng asawa ko alam niya kasi yung kapasidad ko. Sabi niya di ko naman daw kailangan magtrabaho kasi kaya niya naman iprovide pangangailangan namin pero ang hirap kasi dinidiktahan nila ako kung ano yung dapat kong gawin kahit nanay niya. Sa totoo lang pagod na ako makisama. Nasa 3rd trimester na ako sobrang namimilipit na yung pwerta ko di na rin ako makakilos nang maayos may isang gabi nagugutom ako sabi niya tinatamad na daw siya. Ang bigat ng kalooban ko kaya sabi ko nalang sige matulog na tayo. Tinatapos ko nalang pagbubuntis ko maghahanap talaga ako ng trabaho. Kung sa iba kasi pera ni misis pera ni misis, pera ni mister pera pa rin ni misis sa amin baliktad hahahhahahaha kapag pera niya pera niya kapag pera ko pera niya pa rin alam kong may ipon siya pero di ko alam magkano hindi ko nga Rin alam bank account niya eh ultimo pambili ng gamit ng anak ko nahihiya ako humingi.

Đọc thêm
2y trước

parehas po tayo. kaya pera ko lahat pang bills pera nya ewan ko ba saan malaki naman sahod nya compared saakin.

Thành viên VIP

thumbs up sayo sis, peru ako ang kinakabahan sa ginagawa mo sis. D kapa cguru nakaranas ng binat sis (i hope not)kaya inaako mo lahat ng gawain tas d kapa nakakatulog ng maayos at d nakakain sa tamang oras. Ako kasi sis eh naranasan ko na mabinat , nakahilata lng ng isang linggo at d maintindihan ang sakit ng ulo at katawan pag nakatayo("(Peru sobra² nman ang alaga sakin ng hubby ko)"). kaya nag iingat na ako sa katawan sis ,kasi paano nlng kung nagkasakit at ganyan ang partner mo sayo, Aalagaan ka kaya nya, eh walang paki nga sayo ngayong lakas² mo pa, tas kung sakaling may mangyaring masama eh pano baby mo at alam na natin ang panahon ngayon ang bilis makahanap ng kapalit. kaya ingatan mo sarili mo sis, wag mo muna pagsisilbihan ng sobra ang partner mo kasi may baby kapa ngang inaasikaso tas ganyan pa sya?sobra² pa pagod mo sa kanya, grabeh naman ka walang respeto. tandaan mo asawa ka hindi maid nya.🤔

Đọc thêm

nakaka bilib kanaman sis,. pero na kaka inis yang partner mo ah,. dapat pantay lang kayo mag tulungan di ung panay ikaw ang gagalaw na ultimo abot kamay nya eh ikaw pa pagagawain, baka mabinat ka nyan,. kahit gano mo kamahal ang partner mo wag ka papayag na aabusuhin ka nya, ung kabaitan mo at kasipagan,. kakapanganak mo palang ganyan na sya di ba nya na isip ung kalagayan mo, para naman wala syang care sayo, baka pati pag aalaga sa baby mo di ka nya ma tulungan??. ang swerte nya na sayo, kung di ka nya ma appreciate. wag ka papakasal dyaan ahaha mahirap mag kamali sa papakasalang tao, okey lang kahit may anak kayo, pero mahirap pag kasal kayo tas saka mo na realize na mali napili mong tao. sana matutunan ka nyang pahalagahan at alagaan din, di ung puro ikaw nalang. ingatan mo sarili mo sis, mas need ka ng baby mo kesa ng asawa mo. bawal mag kasakit. bilib ako sa sipag mo sis, sana matapos mo ang pag aaral mo ♥️

Đọc thêm

Sis saludo ako sayo bilang working student at mommy. Pero sis sorry. Yung ginagawa mo para sa partner mo grabe lang. Yes mahal mo sya pero di dapat ganyan. Pag nasanay yan na ikaw lahat ultimo buds iuutos pa nya abot naman pala nya ikaw din kawawa dyan. Baka ang labas dyan mas alagain pa partner mo kesa sa baby mo. Sorry sis pero grabe inis ko sa partner mo. Wala ka karapatan magreklamo kung para sa baby mo pero para sa partner mo you have all the right para magreklamo jusko. Don't settle sa ganyang lalaki. Kung mahal mo turuan mo kumilos sa bahay. Kung mahal mo wag mong gawing bonjing. Maawa ka sa sarili mo sis. Mahalin mo sarili mo para sa anak mo. Di buong buhay mo malakas ka kaya alagaan mo sarili mo para sa anak mo.

Đọc thêm

sino po ba ang baby un partner nyo, ang laki laki n ikaw pa nag aasikaso katulong ka ba nya at bakit ka hahanapan ng sukli sa baon mo kung oinaghihirapan mo din nmn magprovide ng mga kailangan nyo hindi nakakatuwa yan partner mo isang makasariling tao at tamad ako umpisa pa lang noon sinabihan ko n partner ko na paglabas ni baby hindi n ikaw ang priority ko kaya matuto ka kumilos ng sau at ayaw ko ng utos ng utos lalo n kung katabi lang nmn nya ang ipapaabot hindi ako nakisama s kanya para maging katulong nya at sana maisip din ng partner mo kaya nga partner magtutulungan kau hindi un ikaw lang nagsasacrifice ng time tulog at gutom para lang maplease xa

Đọc thêm

ikaw ang dapat inaasikaso nya,CS ka tapos 1 month old pa lang c baby tapos gingawa ka pa katulong, ang kuripot pa kung gagawin ka lang katulong ng partner mo hingan mo n lang ng sweldo kaloka partner mo wag mo isakripisyo health mo para lang maasikaso ang baby damulag n partner mo, kailangan mo matulog at kumain ng sapat para sa baby mo baka s huli pagsisihan mo pag abuso mo sa katawan mo hindi biro ang CS pero kudos sau na kinakaya mo pagsabayin lahat at good luck sa pag aaral mo maging succesful ka sana at kung patuloy pa rin ganyan partner mo iwan mo n girl sa tingin ko nmn kaya mo buhayin sarli mo at anak mo ng wala xa

Đọc thêm

I hope na maka-graduate and ma-achieve mo mga pangarap mo. In time, your sacrifices will be rewarded and it will all be worth it. Pero minsan we should also learn how to voice out and say no, especially if reasonable naman. If you continue to allow your partner to treat you like that, masasanay lng yan. Hindi okay na i-sacrifice mo yung health mo para lang mapagsilbihan siya sa mga bagay na kaya niyang gawin. Love has its limits. Self-worth comes from within, so I hope mahanap mo un. You're doing great ❤

Đọc thêm

hays .. masyado kapa kz bata para magkaanak. d mo maranasan ngaun ang buhay dalaga. dahil sa pag aaskso mo sa baby mo at jowa mo wala kwenta. pero nkktwa ka kz nag aaral kpdn at pnplt gwn ang lahat para sa pmlya mo. ok lang yan mag tyga ka dahil in da end mag kakaroon k dn mgnhawa bhay. kaht wala yan jowa mo. kz im sure d dn kau mgttgal... dahil sa gngwa nia sau. at kaw aman pag bthn mo pag aaral mo. para pag tpos mo maganda wrk mo at mbgay mga bagay at luho sa anak mo...

Đọc thêm
2y trước

maraming salamat po sa kind words po