Ischedule sana ako after Feb24 ng CS. Pero ngayon nakakaramdam na ako ng contractions. Di ko alam kung normal delivery ba ang mangyayari saken o maCCS ulit ako. Please Lord sana po hindi masakit kagaya sa iba. Kase may nanganganak na hindi nila masyado ramdam yung pain. Kung normal delivery talaga sana maging smooth lahat at kayanin ko. Natxt ko na OB ko kaso alanganing oras kase kaya di pa nakakareply. Gusto ko sana matulog kaso every 4-5 minutes yung contractions. Sana normal lahat kay baby at ok naman sya. Please Lord 🙏Ngayon nagwoworry ako kase kung subukan ko ulit yung normal delivery at labir baka mauwi naman din sa CS gaya nung una. Sobrang pagod at puyat at stress sa una kase 3 days ako naglabor, na stuck pa sa 6cm nakapoop si baby kaya eCS. Dasal nalang talaga. 🙏🙏🙏