Yung due date po ba kapag irregular is tama po pag napa ultrasound?

Irregular period po kasi ako last June 4,2020 yung last regla ko then nagpa ob po ako ng July 20,2020 may uti po ako at na cleaning din po yung puerta ko which is sabi nila pap smear daw then uti nga po ang lumabas saka kulang sa good bacterias then nag antibiotic po ako ng 1week gumaling naman na po uti ko then nagpt po ako last oct 19 positive po. Nagpa check up ako sa center, 4months na daw po ako base sa lmp ako pero nagpa ultrasound po ako nov 3,2020 nalaman na 10weeks and 5days which is due po ng may 27,2021. Last january 26, 25weeks and 5days po nagpa ultrasound baby boy pero nakakaramdam po ako na pag uupo sa inidoro like iihi lang, tumataas yung tyan ko tapos yung puson ko masyadong lulubog which is uncomfortable po nagumpisa po sya kagabi. Bumabalik naman po sya sa dati then lalakas sipa ni baby 27weeks and 4days na po ako. Possible po kayang mapaaga yung due date ko at mali yung ultrasound due date na binigay saakin? #1stimemom #firstbaby #pregnancy #IrregularMenstruation

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello po same po tayo mommy na irregular ang mens. Sabi po sakin ng Ob ang mas pinagbabasehan daw po talaga is yung sa transvaginal na ultrasound po kasi sa loob po mismo pinapasok. sakin po kasi ang due ko po is Feb 27 pero Feb 24 palang po nanganak na po ako. Pwede po kasi malate ka manganak or mas maaga pa po dun sa due na binigay po sayo. yung iba nga po halos 2weeks advance or late po yung iba naman advance ng 1 month sa due. magready ready nalang po kayo at iprepare ndin po agad yung gmit niyo and ni baby.

Đọc thêm