Marami akong narinig na buntis na gumagamit ng Efficascent Oil sa ulo lang, sabi nila okay naman at nakakatulong sa sakit ng ulo dahil sa yung cooling at relaxing na amoy niya, parang mini-spa daw kahit nasa bahay ka lang (sana ganun din tayo, haha). Pero may ilan din na nag-aatubili kasi may peppermint ingredient ito, at sa first trimester lalo na, medyo delikado raw ang ilang essential oils kahit pahid lang sa labas. Baka i-check mo muna sa OB mo bago gamitin, lalo na 9 weeks pa lang, mas okay na sigurado tayo kaysa magsisi, 'di ba?