Guilty Mom 😭
I'm a work at home working mom, morning shift. Husband ko is evening, so after ng shift niya ng morning tulog siya then ako naman working. So pag nagigising anak ko, I don't have a choice kundi hayaan ko siyang mag phone until after ng shift ko or pag wala na ko busy sa work ko. 3hrs siya sa morning nag seselpon then pag nagluluto naman ako ng lunch, hinahayaan ko siyang manood ng tv. So ngaun, lagi nagbblink yung eyes ng anak ko, hindi na normal. Ewan ko ba kung sa selpon yun or sa init ng panahon. Ano pong gagawin ko? 😭
pa check mo na sa pedia mi o kaya sa opthal para malaman ang cause..as much as possible talaga iwasan ang gadgets sa bata..mas ok pa siguro kung tv na lang kesa sa gadgets..lumaki naman tayo sa tv pero hindi naman parehas ang epekto sa gadgets talaga..pero kahit nasa tv bigyan pa din ng screentime..introduce kay lo yong ibang pwedeng gawin gawin gaya ng mga coloring books o libro..pwede rin outdoor playtime..bigyan mo din siya ng oras mi to start kasi kahit anong gawin natin na ibigay tayo pa rin kasi parents ang hahanapin nila..pag nabigyan na natin sila ng oras pwede na natin iexplain sa kanila ng maayos ang sitwasyon..kahit papaano makikinig naman sila
Đọc thêmBaka pwede magawan ng paraan na may magbantay kay baby. I’m pretty sure na alam nyo naman po siguro na masama ang sobrang paggamit ng gadgets and exposure sa TV kay baby. What I can suggest, bilan nyo sya ng play pen, pati mga toys na educational instead na TV or gadgets ang pang alis ng boredom nya. Try to limit the exposure na lang siguro kung di talga kaya. Then sa issue with excessive blinking, ipacheck nyo po sa pedia muna para maassess then marefer kayo sa optha. Kawawa baby if too young pa lang nagsasalamin na.
Đọc thêmYun din yung worry ko, momsh. Yung bata pa lang naka salamin na. Na lessen ko na yung screen time niya. Nagmatigas na din na no cellphone or tablet pagkagising.
Ganyan din anak ko nag biblink yung mata kaka cellphone nya pinag pahinga ko muna sa phone hindi ko sya pinagamit ng phone puro sa tv nalang sya nanonood ayun nawala naman sa kanya yung pagblink ng eyes kaya i think phone talaga ang dahilan nasosobrahan sa gamit tas ang lapit pa sa mata nila ng radiation stop muna sa phone para di lumala
Đọc thêmNalessen ko na sa screen time and no more cellphone na siya, momsh.
Nung pinacheckup ko yung anak ko, di daw po pwedeng nakababad ang mga mata sa gadgets ng more than 2hrs kahit sa'ting matatanda. Pero kung no choice po at working na na may pc/ laptop until 4hrs lang daw po then ipahinga ang mata (pumikit then tungin sa malayo) gumamit din ng eye glass na may anti-radiation para di manakit ang ulo
Đọc thêmGood to hear po 😊
Pwede pa natin baguhin mi. Ndi masama mag phone si baby pero anything that is too much is bad. Baka pwede bilhan mo toys. Tapos find time tlga na makalaro si baby. Eefortan tlga natin. Relate ako kasi kami n hubby ganyan n ganyan. Ok lang kmi ang konti ang bonding time. Basta wag lang yung bonding s knila
Đọc thêmThank you, momsh. Madami siyang toys, nilalaro ko na din siya sa mga toys niya. Lessen screen time din. Sulat or drawings na din and bike sa hapon.
I feel you momsh, better nga po na magpacheck up po ang baby nyo kung ano man ang maisusuggest ng pedia sundin n lang natin. Sakin mahaba na ang 4hrs, pero siguro 2x a week lang hindi daily. Mas madalas may laruan sya or nagcocolor, anything na safe para sa baby.
Na lessen ko na yung screen time niya, momsh. More coloring books and sulat sulat na siya then bike sa hapon. Nagmatigas na din na no cellphone pagka gising. Hindi ko na pinahawakan ulit ng phone.
Wala po ba kayo family na pwede siyang laruin habang nag wowork kayo? Wfh din ako and minsan di talaga maiwasan na magpa tv pero pansin ko nag tatantrums na lo ko kaya nilessen ko talaga screen time.
Wala po, eh. Kasi nakabukod na kami. Then si mama ko may inaalagaan din pamangkin.
pwede po syang magbusy books, or any toys basta di gadgets. mahaba po ung gadget time na binibigay nyo kawawa po eyes ni baby. pacheckup na po kayo para matingnan ng optha
Opo momsh, nag coloring books na siya then toys niya nilalaro namin.