Any day now
I'm just venting, mommies. Wala namang question or anything haha. Nagpa-BPS ako kahapon. Tsaka RT-PCR. Unfortunately kahapon sobrang baba ng amniotic fluid ko, so 6/8 lang ako sa BPS. Tapos praning na praning ako sa swab test kasi what if asymptomatic lang pala ako pero nahawa na pala ako somewhere. So ayun, tinawagan ko na yung lying in clinic. Sabi ni OB, increase water intake daw tapos ulit ng BPS the next day. Nabusog na ko sa tubig, ok lang kahit ihi nang ihi, basta tumaas ulit yung amniotic fluid. I got the results today, thankfully negative ako sa RT-PCR. Parang anlaking tinik ang nabunot sa lalamunan ko. Nagpa-BPS ako ulit, thankfully 8/8 na ko 😭 Sobrang relieved ko. Worried kasi ako baka irefer ako ni OB sa hospital talaga, eh ayoko talaga sa hospital ngayon dahil sa covid. I'm just waiting for her reply now kung anong instructions nya. Inom pa rin nang inom ng water, para sure. So ayun, share lang. Sabi ni OB nung Monday baka daw lumabas na si baby this week. Ready na lahat, and sobrang thankful talaga ako na nag-improve ang score ni baby. So kayo mommies, inom kayo ng maraming tubig lagi. Grabe talaga yung init ngayon, pag dehydrated pala ang buntis, nakakaaffect sa amount ng amniotic fluid. #pregnancy