Meron ka bang kasama sa bahay kapag nag aalaga kay baby? If meron, try to talk to the person to hold your baby for you for a while and then you go cry. Ganyan talaga. Ano kaya, kung karga mo na si baby at iyak pa nang iyak, subukan mo ilabas. Yung iba, pinapaliguan nila sa warm water, narerelax yung baby nila and eventually nagsstop umiyak naman.
Kung wala kang help, kargahin mo lang si baby. Isipin mo na nagaadjust pa si baby sa labas ng tyan mo kasi 9 mos siya sa loob then bigla nandito na siya. Kailangan nya ng assurance na nandyan kang nanay niya. Kapag gusto mo siya saktan, titigan mo ang mukha ng baby mo, baka sakaling maisip mo kung gaano mo siya kamahal. Pero yakapin mo lang si baby palagi, mommy.