Mommies: I want to hear your suggestions

Im currently a working mom, soon to be a mom of two.. sa ngayon walang nag aalaga sa firstborn ko kasama ko sya sa office, manager ko ang mister ko but still di po ako makafocus ng maayos lalo na kapag may mga client kami, no other relatives para mahire as baby sitter. Natatakot din maghire ng basta basta.. Tanong ko lang mommies, sa mga working moms na pinili mag stay at home at mag alaga sa mga anak or anak. Paano nyo po binalanse lahat? i mean how do you cope? how do you come up to that big decision, to let go of the opportunity and stay with your children? kasi nagkaka anxiety nako im 7week pregnant. And while working seeing my boy with me in the office sobrang nagkakaguilt ako.. na nasa workplace ko sya imbes nasa bahay or naglalaro lang. 😊Torn between wanting to stay employed and/or be the one to take care of my soon to be magiging dalawang kids .. No to bash 😊 #advicepls

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy. There's really no wrong or right answer for this, only what you believe will be the best for you and your family. You'll most probaby feel mom-guilt eitherway-- either for not being there 100% for your child, or not being able to contribute financially to the household. Personally, sinabi ko na sa sarili ko beforehand na gusto ko maging full-time mom but as it turned out, na-hire ako during my pregnancy. Overall, I believe it turned out for the best. I just do my best to spend as much time as I can with my family, and to make the most out of it. Sa totoo lang, sobrang nakakapagod ang pagiging full-time mom. I actually feel that my time away at work is my rest time (Extra Salute to full-time moms!) I suggest to talk it out with your husband and see what your options are. Regardless of your decision, I'm sure it will be a huge sacrifice for you but as long as you believe that it's for the best, then you'll be ok. *Hugs!

Đọc thêm

I'm not yet a mom (sa July pa EDD ko) pero katulad mo I'm torn between my career and wanting to be a fulltime mom once lumabas na si baby. Gusto ko kac ako mismo mg alaga pero it would be difficult kung on site work ko kaya no choice kundi mgWFH set up para 100% magampanan ko rin ang pagiging ina (I resigned from my dream job kasi super hirap pala mgbuntis pero araw2 ko iniisip sana nasa trabaho pa rin ako 🥺) I also realized na minsan lang naman sila magiging baby/infant/toddler kaya hanggat kaya mag full time mom tayo (kailangan nila tayo sa early years nila, it will be great for their development), sacrifice lang muna ang work. Makakabalik pa nman tayo once lumaki na sila (pero ako plano ko talaga kapag 6months na si baby kapag naka adjust na kami ni hubby I will start my WFH, nkakapagod din kasi walang ginagawa lalo na independent woman ako)

Đọc thêm

Hi mommy. Im a solo parent so i need to take good care of my 2 kids at the same time earn. Tho the daddy's helping naman financially but he's invisible. 😅1 elementary and a baby na mag one pa lang. I think it's good to really know your priorities. As a couple you have someone na katulong and share of responsibilities. Hindi din naman porket nasa bahay hindi na productive. Pinaka importante yata sa lahat na mabantayan at lumaki ng maayos ang mga kids at mabigyan ng masaya and safe na family. Also madami ng work from home ngayun even businesses that you can do and excel with. Nakakatulong sakin yung may list ng daily activities ko. Para balance sa time sa kids, saken and sa work.💞 Kayang kaya niyo yan. Hindi na din ako nag maid para sa peace of mind and budget too. Im just getting an on call asst whenever needed talaga with work.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy! better po isulat nyo ang pros and cons at pagusapan nyo ni mister.. same po tayo sa first born ko kasama ko sya lagi sa office ng 7 years hanggang sa nagkapandemic at nahirapan na ako. Kaya nagdesisyon na ako na hahanap na lang ng wfh jobs na pwede ko gawin kahit nagaalaga ako ng anak. Isa rin sa nagundyok sa akin na better kung ako ang magalaga ay ang experience ko nung bata pa ako. ipinagkatiwala kami ng aking mga magulang sa kamag-anak kaya naman nakaranas kami ng aking mga kapatid ng pagmamalupit at pang aabuso.

Đọc thêm

Hi sis,soon to be mom din po ako. Since nalaman ko na buntis ako nag-promise na ako sa sarili ko na magiging hands on Mom ako kase dko naranasan yung ganon sa parents ko. Gusto ko matutukan ko sa paglaki yung magiging anak ko. Although di to applicable sa lahat ng Moms pero it's a choice tlga. As long as it's okay sa hubby mo na mag-stay at home ka,which is dapat lang,then go for it. Walang trabaho ang tatapat sa pagiging full time mom😊

Đọc thêm

well Mummy,mahirap tlga...pero iba tlga pag hands on ka sa pagpapalaki ng mga anak mo...kausapin mo yong husband mo...kaya naman cguro ma provide nag needs ninyo...later on pag ok na pwede ka namn bumalik sa work mo...hirap nga ipagkatiwala ang anak sa iba..even sa family mo pa na dimo alam ano nangyayari....timbnagin mo ang situation..ikaw lang makakapag decide niyan...kayo ng husband mo..kaya mo yan..

Đọc thêm