BREASTFEEDING O FORMULA FEEDING?

Im a breastfeeding mommy po for almost 2 years na po. Wala po naman po ako problema sa formula milk kung iinumin siya ng anak ko kaya lang.. may gatas pa naman ako kaya bakit ko papainumin ng ganon. Madalas sbihin ng MIL ko na kaya daw dede ng dede anak ko dahil daw kulang na yung nadedede sakin kasi malaki na. Oo malakas talaga siya dumede lalo na picky eater siya ngayon minsan ayaw talaga kumain panay dede lang. Pero kaya nga dadami ang gatas kasi by demand so padede lang ako. Yung partner ko naman dahil nabuyo ng nanay niya. Nagtanong kami sa pedia namin. At ang sabi nga eh, kumain nalang daw ako ng masustansiya dahil sigurado daw siya aayawan ng baby ko yung formula kasi saakin nasanay. Ayaw niya talaga dahil breastfeeding advocate siya kaya siguro nagalit din siya nung time na yun. Which is tama nga siya.. Nagtry kami ng Promil Gold, Nido Jr at Bear Brand Jr. Pero lahat yan naduduwal lang siya mapabote or baso same reaction. Sabi ko, kahit walang gatas basta pakainin lang ng maayos ang bata, mas okay yun.. Nag gagatas din ako ng bear brand fortified at birch tree at nakita niya akong umiinom. Uminom siya at nagustuhan din niya.. 1 week ko siyang pinainom ng birch tree full cream milk naman once or twice a day kaso nagsawa. Nakakainis lang kasi ang daming sinasabi ng side ng partner ko kesho payat daw ng anak ko at di pa daw nagsasalita. Sa sobrang inis ko. Sinabi ko talaga na hindi naman porket payat e hindi na malusog dahil hindi naman sakitin anak ko.. at nakakapagsalita naman anak ko di nga lang ganon kagaling.. Lahat nalang kasi ikinukompara.

1 Các câu trả lời

VIP Member

Mommy anak mo naman yan kaya nasa iyo ang pasya. Ika nga "my child, my rules". Sa pagpapadede naman, talagang breastfeeding is still the best, kaya lang naman nila gusto i-mix feed para tumaba which is malusog ang matabang bata for them. Me too, Im fully breastfeeding my child for more than a year now, at kung ayaw nya ng formula di ko ipipilit yun. Mahalaga malusog ang anak natin, kung may nakakaalam man kung ano yung the best, its us, the parents, aside from pedia for clinical purposes, there's no one else.

Ay sorry toddler milk pala 😅😅😅

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan