Nadede pa din si Baby na 2yrs old..
I'm 6weeks pregnant and nadede pa din sa akin yung 2yrs old ko. May masamang epekto po ba to sa pregnancy ko and sa todler ko? Please advice paano po mapapatigil yung todler ko sa pag dede sakin na di kailangan na mahirapan sya ng sobra. Naaawa po kase ako pag di ko sya pinapadede sakin. Grabe po ang iyak nya 🥺
Naku, alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo. Mahirap talaga kapag mayroon kang dalawang anak na kailangan mong alagaan. Pero huwag kang mag-alala, mayroon akong ilang payo para sa'yo. Una, hindi naman masama na nadede pa din ang iyong 2-year-old child. Pero kailangan mo lang siguraduhin na hindi naapektuhan ang iyong pagbubuntis at kalusugan ng bata. Ang maganda ay kumonsulta ka sa iyong doktor para mabigyan ka ng tamang payo at suporta sa iyong sitwasyon. Pangalawa, para maibsan ang iyak ng iyong anak kapag hindi mo siya pinapadede, maaari mo siyang paliguan o kantahan para ma-divert ang kanyang atensyon. Dahan-dahan lang at tiyaga lang sa pagtitiyaga sa kanya. Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil darating ang araw na maiintindihan ng iyong anak na hindi na siya dapat magdede. Patuloy mo lang siyang pakiusapan at pahalagahan ang kanyang damdamin. Mahalaga din na maging positibo ka sa iyong pagbubuntis at sa pag-aalaga sa iyong mga anak. Kaya mo 'yan, mommy! Good luck sa iyo at sa iyong pamilya. 🌸 https://invl.io/cll6sh7
Đọc thêmFor me mas okay na mag consult ka sa obgyn kasi ako nagpa breastfeed ako sa panganay ko habang buntis ako sa 2nd baby ko, 3 years old na that time ang panganay ko na stop lang nung mga 6-7 months na yung tiyan ko kasi nagcocontractions ako kaya mas sinuggest ng oby ko stop na siya sa pagdede, pero sa kanila walang masamang epekto yun depende lang sa katawan mo kung kaya mo siguro siya ihandle kasi pag buntis na tayo mas nagiging sensitive ang nipples natin, sakin kahit di niya kinakagat masakit parin kaya nagcocontractions ako.
Đọc thêmwala nman kaso pag lumabas si baby kawawa naman kase mag-aagaw sila ng dede sayo.. as much as possible mhie, sanayin mo na sya ng formula and stop na sa breastfeed.. kase ganyang case yung sa cousin ko, ang nag sacrifice tuloy yung new born nila dahil ayaw ng bumitiw nung first baby niya. And may time din na nagseselos yung ate dun sa new born kapag pinapadede niya ito sa kanya.
Đọc thêmkahit naaawa po maging firm po tayo sa paghindi kasi 2 yrs old na sya dapat mas focus na sya sa solid food. bigyan nyo sya ng milk o chocolate milk sa cute na tumbler para dun sya uminom. o kaya lagyan nyo ng calamansi nipple nyo para maasiman sya at di na dumede pa
Wag na mi. Kasi maaagawan niya ng nutrition yung pinagbubuntis mo. Kasi ako nasundan agad yung baby ko na 4 months old pa lang tapos nabuntis ako agad sa bunso ko. Pinaawat nang dumede sakin yung 4 months old ko kasi maagawan daw niya ng nutrition yung pinagbubuntis ko.
1 and 7 months toddler ko ngayon, Pero 25 weeks preggy na ako. Nong nalaman Kong preggy ako,inawat ko na Sakin si toddler para Hindi na mag agawan ng nutrition na nakukuha sa katawan ko. Nilagyan ko po ng Nipple tape ung Nipple ko. Don ko siya naawat
same sa toddler ko. 3yrs old nadede pa din sakin pero pag matutulog na lang at pag nakikita akong nakahiga pero saglit lang naman sya magdede. 13weeks preggy ako. gusto ko na din patigilin kasi nakakagat nipple ko
ok la ng yan mi as long as kaya ng katawan mo, at hindi risky pagbubuntis mo. pero if gusto mo awatin, try mo pahidan ng oregano nipple mo then padede mo sakanya, tignan mo if aayaw o hindi 😆
suggest sakin ng ob ko non na wag muna mag bf sa baby if ever man na bf mom ako dahil nakakapag contract daw yon. btw 3 months palang baby ko non nabuntis agad ako.
Ok lang po yan, 36 weeks pregnant na ko ngayon hanggang ngayon nadede pa din yung toddler ko na 1yr & 9mos. pag matutulog sya mi.