Postpartum baby blues

Im on my 4 weeks postaprtum. Ang hirap mga mommy yung wala kang mapagsabihan nang nararamdaman mo. Sinabihan ako nang tatay ko na ang sensitive ko raw at emotional. Yung asawa ko naman, ganun din. Ni hindi man lang ako kinakamusta emotionally. Hindi nila maintindihan. Napansin ko, pinapatulan pa nga ako Kung nga ikaw sa sarili mo, hindi mo na maintindihan yung mga nangyayari sayo, sa pagbabago nang katawan mo na bakit dati ok naman ako pero bat ngayon para akong ineffiicient, lutang at ewan? Tapos dadagdagan pa ng mga ganitong kasama sa bahay. Minsan nagigising na lang ako na sana manhid na lang ako para di ko na maramdaman itong mga to. Pero meron ka nang dependent at ayokong maaapektuhan si baby nang dahil sa emotional struggles ko ngayon. Gusto ko lang ng mga taong genuinely makakaintindi. Sad to say, yung mismong asawa ko na dapat siya, wala, nada, none. Ang hirap umiyak nang mag-isa. Di alam ng asawa ko na may mga ganitong moment ako kasi ang hirap mag-open sa kanya. Lagi siyang busy, etc at kung ano pa.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello mi. Try seeking help sa mga friends mo na nabuntis na din at nakapanganak na. I’m currently experiencing baby blues 2 weeks post partum. Luckily, yung husband ko ina acknowledge naman yung feelings ko. Malaking help yung may nakakausap akong kaibigan na naka experience ng baby blues at na overcome. Somehow maffeel mo na normal lang yan, valid feelings mo.

Đọc thêm
1y trước

.

Post reply image