Hi momshie! 😊 I'm currently 6 months pregnant (3rd baby) and still breastfeeding my 1 year and 9 months old, boy din siya. Maselan ako magbuntis simula sa 1st hanggang ngaung 3rd baby ko, bed rest palagi. Actually nag try din kami ni hubby mag offer ng FM kay toddler, 2 brands na try namin i offer kaso ayaw niya talaga ng lasa or maybe di lang talaga siya sanay. Pero nainom siya ng fresh milk kapag nakain ng cereal or minsan fresh milk lang talaga bago mag sleep. Naawa ako sakanya nung nag try kami offeran siya ng FM, as in nagwala talaga, iyak ng iyak. Madalas kasi contractions ko nung first trimester kaya inisip kong i FM na si toddler. Kaso naawa naman ako. Kaya nanghingi ako ng advice sa OB ko if I should continue to breastfeed, sabi niya okay lang naman, di naman naaagawan ng nutrients ung baby sa tummy ko if mag breastfeed si toddler, as long as walang complications sa pagbubuntis ko, push lang. After that, continue lang kami ng breastfeeding hanggang ngayon and hindi naman ako nagkaka contractions na. Nanghingi ako ng advice sa ibang momshies about Tandem Feeding, kasi I'm planning to do it after I gave birth 😊 si toddler (2nd), more on solids na siya, di na siya tulad ng dati na maya't maya dede. Pampatulog nalang talaga niya ang breastfeeding at kapag naglalambing din 😅💕 kaya kahit sensitive ang nipples ko due to pregnancy, push lang hehe. Kasi minsan nalang naman siya dumede sakin, kapag nap time sa tanghali or hapon at kapag matutulog sa gabi. Then the rest, puro kain nalang ng solids, as in kung ano meal namin, yun din sakanya. Veggies, chicken, pork, eggs, mga ulam na may sabaw or sauce, syempre rice hehe.