To CS or not to CS

I'm 35 yo, 5th pregnancy ko na. All 4 child birth NSD pero yung 4th baby ko, medyo 50/50 na kaming dalawa. Ngayun, natatakot ako mag NSD baka diko na kaya. I'm thinking about doing CS, I want to know how was the experience? 1. What are your preparations if scheduled ang CS niyo? If emergency CS, what happened? 2. Masakit ba yung epidural (tama ba)? Yung injection sa likod? 3. Nafeel niyo ba na hinihiwa kayu buong operation? 4. Tulog ka lang ba or pwede rin gising? Ano mas prefer niyo? 5. Magkano inabot ng bills niyo? Ps. If meron dito taga Imus, Cavite at naexperience magpa CS sa South Imus Specialist Hospital, magkano kayu inabot and how was the experience with them?

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Base on my experience po.. Na emergency CS po ako (ndi agad lumabas si baby 3 days labor..na stock ako ng 7cm) na injectan ako sa likod ...napagalitan pa nga dhil me kiliti ako kya npapagalaw talaga ako... habang iniinject ng anesthesiA at dhil sa 3 days na halos walang tulog na maayus nkatulog po ako during my opeation.. pero ramdam ko po na hinihiwa ako pra akong kinakatay ng buhay pero nde syaasakit ksi nga me anesthesia..😅 ska sobrang lamig talaga kya mkakatulog ka . nginig factor pa nagising nlang ako nung umiyak si 1st baby ko... nung nkita kona sya aun nkatulog uli . ( diko alam kng ng skin to skin sya sakin ksi nkatulog na ako at nililinisan na sya). at ng zero billing lang po ako dhil public hospital lang nman ako nanganak pero inabot ako ng halos 6 days sa hospital dhil natakpan ung papel ni bb...(sa new born screening nya). Tala hospital po ako(caloocan bnda)

Đọc thêm
3mo trước

may malasakot center po ba pag private hospital?

1. we just followed advise ni OB on what to bring. like food, gelatin and iced tea. dapat ay maka utot man lang para madischarge the next day. naka poop ako right after the CS, hindi ko pa ramdam dahil sa anesthesia. 1st born- e-CS dahil hindi lumabas si baby during trial labor. 2nd born- scheduled CS 2. mataas ang pain tolerance ko. just hold your breath na lang. nahirapan ako sa part na nakabaluktot ako dahil naiipit ang tummy ko. 3. may nararamdaman pero hindi masakit. 4. 1st born- tulog dahil wala akong tulog sa labor. 2nd born- gising. deep relax breathing ako dahil feeling ko, kukulangin ako sa paghinga. 5. 90k+ private, not included ang bills ni baby. pwede nako lumabas the next day, kaso lumagpas dahil naextend ang confinement ko due to other health reason. less 150k.

Đọc thêm
4mo trước

additional info na paglessen ng bill: philhealth deduction- 19k ginamit ang sss maternity benefit - 70k

1 nung ako rin prang ms gsto ko nlng emergency cs, pero ayos din nman ending scheduled cs ako last week lng 2 hindi nman masakit epidural kasi unti unti nmamanhid agad ktawan mo, mas nsaktan pa ako sa kung paanong pwesto (ung nkayuko ka ng nkaside)pag ineepidural 3 nafifeel ko lang ung alog ung pra kang inaalog lng sguro dahil sa kunat ng skin hbang hinihiwa 😅😅 4 puede mtulog ako s sobrang grogee ko nkapikit lng ako pero nung pagka sabi ni doc ng baby's out bgla tlga akong ngising at lkas din ksi iyak ni baby 5 130k dpat , 90k nlang salamat philhealth 🙂 at Praise God na rin nbawasan khit paano (privatehos.)

Đọc thêm
4mo trước

bali 40k rin ang kaltas ..130k dapat bill ,90k nlang ang binayaran .. tas hinabol ko lang rin yang hulog nian sept2 ako naghulog buong 6mos. tpos nanganak ako lastweek lang

1. For me mi nagscheduled CS na agad ako kasi bukod sa di nakaposition si baby feeling ko di ko kaya magnormal kasi malaki sya. 2. Di ko maalala. Pero parang injection lang din. Sa likod nga lang. Pray lang kasi medyo mahirap bumaluktot pag malaki tyan. 4. Pede daw sana tulog kaso kumain ako ng dalawang kagat ng monay. Bawal pala kumain bago operation di ako nasabihan ni OB kaya dapat gising na baka di daw matunawan. 3. Gising kaya medyo nafefeel. May naamoy din akong sinusunog haha. Medyo nakakaba pero pray lang kasi for baby din kaya relax lang dapat. 5. Sa asia medic mga 100k din.

Đọc thêm

1. I'm ECS, wala naman namention si OB na preparation if ever na maging ECS, complete follow-up checkups lang kay OB months prior delivery, complete vitamins, healthy food and madami water intake para di madehydrate 2. i dont feel any pain sa epidural, yes nakabaluktot lang din 3. hindi ko nafeel na hinihiwa since may anaesthesia 4. Gising, saka ka papatulugin after the operation. need maskin to skin contact si baby yun ang sabi saken when i asked them 5. 100k+, excluding bills ni baby. total umabot kami less than 200k since nasa NICU si baby for 7days

Đọc thêm
4mo trước

that's the reason if bakit ako na ECS, nasa 7cm na ako ng iputok ng OB ko yung amniotic fluid para mas mabilis yung maging labor, good thing na lang safe pa din si baby 💖

1. planning on NSD but leaking water bag na daw without labor signs so we had to do an ECS 2. In my case hindi, hindi ko den ramdam siguro dahil mataas den pain tolerance ko. Nagtanong pa ko kung tapos naba kasi ang bilis at wala ko naramdaman 3. Hindi den, may pressure lng na mararamdaman sa tyan since inooperahan nga pero no pain at all sakin 4. Gising ako whole operation, And it was nice kasi aware ako sa paligid and sa convo ng mga doctors especially nung unang iyak ni baby rinig na rinig ko 5. 6 digits kasama bill ni baby.

Đọc thêm