Ask lang po kung pano gamotin ang Yeast Infection or STI (sexually transmitted infection)
Im 18weeks preggy po and may lumalabas pong discharge sakin na white like cottage cheese, at lately po e napansin ko parang yellow green po sya. Hindi ko po matukoy kung yeast infection or STI po sya. Medyo itchy din po yung ari ko kaya madalas kong punasan ng wipes para mabawasan yung pangangati. Sana po e masagot po, first time mom ko lang din po. Thank you in advance. :)
punta ka sa ob mi, Kasi sa case ko before knowing na nagka sti ako may mabaho tlagang discharged Kasi yong partner nagkaroon ng iba't ibang ka affair...Hindi Kasi pwde na Ikaw lang ang mag take ng medecines if continue parin pkkpag sex sa partner Kasi Ikaw lang ang ma he heal kilangan din pati partner mo eh meron din syang reseta .....ganyang sa akin kaming dalwa ang ng take ng medecines...
Đọc thêmKung antibiotic po, kindly go to OB. siya po ang magsasabi at magreresta nyan sa inyo, since need ng reseta ang antibiotic pati kung ano ang safe for pregnant. yeast infection- makapal na white at buo buo ang itsura, itchiness, madalas na walang amoy chlamydia/ gonorrhea- greenish discharge with itchiness and foul odor
Đọc thêmWag po pahiran ng wipes. I feel you din, Kumusta ba sugar mo mi? Baka mataas po sugar mo at meron kang GDM, ang pangangati ng private part natin in symptoms ng GDM. Nagpalit din ako ng feminine wash from phcare to Naflora Protect, Naflora po is pwede sa may yeast infection. So far effective naman sakin, d na nangangati. 35 4/7weeks nako today.
Đọc thêmSame feeling sobrang irritating lalo na pag matutulog kana, tas pagising gising ka pa sa kati. Nag ka yeast infection din ako pero nalaman ko yun nung pinapsmear ako at tinest , ito yung gamot na pinabili sakin ng OB ko pina try nya saken for 7 days nabibili sa mercury pero need ng prescription ni OB.
Đọc thêmMas okay po tuwing gabi wag nalang mag suot ng panty,shorts nalang na breathable or panjama. Minsan kase kelangan din humingi ng maayos yung sa baba naten. Iwas UTI nadin po pag ganun. Im 5 months pregnant all normal naman sakin at UTI wala din. ☺️ Sana makatulong din sainyo ☺️
Wag po kayo gumamit ng wipes, better po na warm water or try nyo po magpakulo ng dahon ng bayabas yun po ipanghugas nyo twice a day dapat warm din para mamatay ang bacteria. Then go pacheck po kayo sa OB para mabigyan ng proper medicine at malaman anong infection po ang meron kayo.
Ask your OB po kasi same tayo na may pangangati at yellow green na yung lumalabas. Ang sabi ng doctor sakin gumamit ako ng BETADINE FEMININE WASH yan yung ginamit ko after ko ginamit nawala yung itchy pero nandyan parin yung discharge na yellow green.
I also had the same discharge when I was pregnant pero hindi naman makati yung akin. I consulted my OB about it kaya nag bigay siya prescription ng suppository for a week. Nawala din naman. Much better to consult your Ob about it. Don't self-medicate.
maghugas kalang po ng maligamgam mi at mild soap yan po ginawa ko nawala po ng itchy2x at yong yeast infection, ngayon normal nalang discharg ko kasi preggy ako parang gatas lang ang lumabas, and wag ka magsuot ng panty na masikip..
nag ka ganyan din ako nong 3months preggy ako ang ginawa ko lang binabad ko yung pempem ko sa maligamgam na tubig na may asin at tawas☺️ mga 10 minutes ko lang sya binabad tapos dalawang araw lang nawala na yung pangangati ko
better to consult your ob mi, magkaiba po ang yeast infection at bacterial vaginosis. pwede ka bigyan ng antibiotic or pwedeng advise ka lang how to properly take care of ur vagina kung di pa naman malala.
Magpa check up ka. Wag mo na daanin sa mga home remedy. Looks like yeast nga pero if may gut feeling ka na STI, mas lalong magpa check up ka. If di maiwasan makipag sex, please use protection.
New Mommy ❤️