Gender reveal
Ilang weeks po bago malaman ang gender ni baby? I'm currently 11 weeks and 5 days po ❤#advicepls #firsttimemom
Sa sobrang excited ko, 17 weeks nagpa ultrasound nko, hindi nakita kasi naka dapa then nagpa ultrasound ulit ako nung 18 weeks, di nakita kasi naka talikod naman. Then ngayon 21 weeks ako, nagpa CAS ako and nakita na ang gender. It’s a girl. ☺️ Mahirap ata talaga makita pag baby girl, ganito din kasi nangyare sa first born ko, hindi kagad nakita ang gender.
Đọc thêm20 weeks ngayon sa baby girl ko. pero sa baby boy minsan maaga. 16 or 17 weeks sa first child ko kita na. mas madali iidentify sa baby boy kase nakausli po ang tutoy. hehehehe!
nagwait ako saktong ika 20 week ko it depends kasi eh yung iba as early as 16 weeks nakikita na yung iba naman above 20 weeks na di pa din makita dahil sa pwesto ni baby
22 weeks sakin mi , pero kung di naka harang binti nya siguro 21 weeks nakita na kaso itinago nya pa 😅
ako 17 weeks nakita na, boy sya..madali lng mkita yung sa baby ko kase nkausli na yung patotoy nya haha 😂
20 weeks pataas pwede na,pero pag 20 weeks di pa yun sure. Pinaka-sure tlga si 7months.
depende po pag naka position si baby pwede as early as 5months po macoconfirm na.
18 weeks sa panganay ko. 25 weeks naman dito sa bunso ko.
atleast 24wks para sure at malinaw na mkkta.
. .sakin 19weeks 2days nakita na baby boy po