5 Các câu trả lời

nung newborn si baby ko, (ebf kami) halos every hour sya magdemand ng dede at halos di ko sya maibaba nun kakapaburp. ginagawa ko, nagsstay ako na karga ko sya, head elevated, kasi natakot din ako sa nangyari sa baby nung kawork ko, nangitim bigla yung bany nya after dede ng dede at napahiga agad, hinigop nya talaga yung ilong at bibig, napasukan yung baga ng milk at nagka aspiration pneumonia, sa awa ng Diyos, okay na si baby nya. basta pag iyak, wag muba dede lalo kung mix feeding ka pa (iba kasi ang digestion ng formula sa breastmilk, medyo matagal ang formula unlike sa bmilk kasi: if 1-2oz formula, make it 2-3hrs), check mo muna baka naman puno lang ang diaper (madalas umihi o dumi ang days old newborn kasi), tried and tested ko na rin yung pagkapa sa bunbunan ni baby if lubog, pati yung pagdikit ng daliri ko sa pisngi nya then susundan nya yun dapat kung gutom, ayun gutom plus di ko maopen yung mga kanay nya at dila sya ng dila. pag kadedede lang at umiyak ulit, isayaw sayaw mo, or tingnan mo baka naiinitan o nilalamig o kinakabag. check mo mga signs ng hunger (closed fists or di relaxed yung kamay, sinusundan ng bibig nya ang daliri or anything na dumikit sa tabi ng bibig nya, dumidila na parang natatakam, pibakahuli na yung iiyak sya)

Feed on demand po mommy.. ang ginagawa ko po which parang initiative ko nalang din at confirmed ng pedia ni baby, para di po maluwa yung gatas wag niyo po muna ilapag, tiis2 muna sa pag hawak ang paghawak naman po is upright si baby, for 20mins po. ang explanation po kasi bakit naluluwa yung milk dahil po yung dadaanan ng milk papuntang tyan is maliit pa lang not yet fully developed kasi newborn palang kaya bumabalik po yung milk sa taas, tiisin niyo lang po na naka upright position baby niyo, kasi kahit naka burp pa yan kong maliit yung daanan ng milk babalik po talaga minsan pa nga yung gatas lalabas sa ilong. Ganyan po talaga mga newborn iyak lang ng iyak hehehe.Try niyo po ipa upright position after feed if may difference

nakaka takot po talaga kapag nacho-choke sila sa milk nila kaya kahit mahirap po, after feed tinitiis ko magbuhat ng naka upright position si baby.. yung technique ko 10mins upright position then ipapa burp ko na, after burp another 10mins naman ayun ngayon si baby hindi na naluluwa ang milk at di na din lumalabas sa ilong. Nagstay lang kasi yung gatas sa parang gate nila sa tyan, kapag hindi nakababa ang gatas yan po reason na naluluwa at lumalabas sa ilong at kaya rin sila nagkaka sinok, minsan nagre-reflux nga din.Nakakatakot talaga.. Kaya tiisin nalang po natin hehe

Ako newborn till now na 4months na LO ko feed on demand ako EBF po. Make sure ko lang na naka burp si baby at hindi ko agad hinihiga mga 20mins kahit naka burp na kahit panay dede si baby hindi po sya nag lungad kahit isa hanggang ngayon. ganun lang ginawa ko nakakapuyat sya at nakakapagod specially pag gabi pero tiis tiis nalang mhie. Minsan kaya umiiyak ang baby hindi sila gutom baka kinakabag or iritable sa diaper or may makati sa kanila. Make sure na pag mag lilinis ng private part nila wag puro wipes po warm water at cotton balls is the best patuyuin mabuti ang bum para iwas rashes at iritable. FTM here super fulltime mom ako kasi ako lang mag isa nag aalaga sa baby ko walang kapalitan pero kinaya ❤️💕

thank so much po sa tips

TapFluencer

Bantayan nyo po hunger cues ng baby nyo po. Pwede nyo i search pano malalaman if gutom ba baby po. Para hindi nyo masobrahan sa pagpapadede, tsaka pagkatapos dumede wag nyo pi ilapag agad. Pa burp nyo po, or kargahin or i tummy time nyo po/pahigahin sa tiyan nyo po. Ganyan po ginagawa ko sa bb ko po, so far never ko naranasan or nakit ada kanya na nagsusuka sya ng milk ng madami. Ngayon 5 mos na po bb ko, tina tummy time ko parn sya pagkatapos mag dede, takot ako na mapasukan ng gatas bb ko sa baga. Minsan nakakatulog na sya sa tummy ko.

thank u po

pag bf alam ko mi basta gutom si baby umiyak padedehin lang pag formula naman po ata 1-2oz every 2-4hrs po

what if po mhie kung mix feed po, formula and breastfeeding?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan