9 Các câu trả lời

As early as naconfirm mo na preggy ka pwede naman na magpaunti unti ng bili mii like ng mga lampin kasi white naman lahat yan. Tapos kapag confirm na talaga yung gender pwede rin yung ginawa ko na around 6months dun plng ako bumili ng mga newborn clothes. Excited kasi kami sa baby boy kaya talagang blue and white ang binili namin. Or di kaya pagkatapos ng prenatal checkup mo, bili ka paunti unti ng baby bath, diaper, creams ganun para limited lang din ang paglabas labas mo.

thank you so much Po 😊

lampin mommy pwede naman as early as you can. pamahiin lang po ung bawal mamili ng gamit ni baby muna kung masyado pa maaga. lalo na po ngayon mahirap ang buhay, personally po inunti unti din namin ni hubby ang pamimili ng gamit. hehe. basta yung mga whites, binili na namin nung nagkabudget na. 😊. ung mga damit na lang na onesies ung after namin nalaman ung gender nya para di kami magkamali sa kulay hehe

pamahiin lang po yung 7mons and above dapat bumili gamit. as early as 4mons bumili na ako ng white barubaruan at lampin. hindi madali ang gastusin for first time mom. iniisip ko rin ang hirap at challenges physically kung late ko na bilhin lahat at kung palapit na ang kabuwanan mas madami laboratory test at gastusin. keep the faith po

ako po simula firstmonth na nalaman kong buntis ako namili na talaga ako diako naniniwala sa pamahiin kase mas nakakatakot na walang gamit si baby na naipon pag malapit na sya lumabas. as of now 6months nako almost complete na gamit ni baby and laking tulong dahil wala ng iisipin kundi hospital bill nalang

Mas maganda paunti unti ka na bumili kapag may budget ka. Mas hindi ok yung bigalaan pa at wala ng time para makapamili ng gusto mo.

VIP Member

Start na po kayo anytime may extra money kayo para hanggang sa paglabas ni baby complete na essentials niya 😊

as early as possible momsh 😊 para din hindi biglaan ang gastos. hehe.

VIP Member

as long as may pambili ka unti-untiin mo para di ka mabigla sa gastos

thank you so much po

thank you everyone 😊

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan