Advice please
ikakasal na po kami ng partner ko next week and im 34weeks pregnant, madalas po mas nagkakaoras pa sya sa paglalaro ng games or matulog hindi ko na po sya nakakausap madalas kung hindi busy sa paglalaro ng games, tulog or nagigitara sya, pag nagalit ka or nagdemand ka magagalit sya, dumating na din po sa point na lalayasan nya na po ako kasi pinatitigil ko na sya maglaro dahil may pasok sya sa work, pag break nya sa work hindi ako pwd tumawag pag naglalaro sya kahit na sumasakit na tyan ko kaya ako natawag sa kanya sinasabihan nya lang ako na nagiinarte, naguguluhan na po ako kung itutuloy ko ba yung kasal, di ko kasi alam kung deserve ko to eh
Wag mo muna ituloy ang wedding niyo sis. Bago ka mgpakasal sa kanya, isipin mo muna ng isipin kung kakayanin mu ba na ganyan plage ang treatment nia sayo.. Ngayon pa nga lng na hindi pa kayo kasal gnyn n xa sau, what more p kpg kasal na kau. Kung mhal ka tlga nia kht anu pa ang ginagawa nia, kht nsaan p xa ititigil nia yun, llo na at buntis ka pa.. Dpt nga inaalagaan ka nia at nde pnpsma ang loob dhl masama s buntis ang nsma ang loob.. Think again and again sis before you make a decision.
Đọc thêmSis!! Please don't do it. Spare yourself from that stressful situation. Believe me when I say pag dumating yung baby niyo baka ikaw lang mag alaga kay baby without any help tapos your dealing with the pain pa from giving birth tapos di mo maaasahan yung asawa ko. Nako po. Gamer din asawa ko and to be honest halos lahat ng gawa in sa bahay from baby to household chores ako lang din gumagawa. Nakakapagod sis. The fact na dalawa kayong mag asawa but it seems like you're just alone. Mahirap.
Đọc thêmNormal sa boys ang mag games etc. Pero adik na sa games yang fiance mo. Pag inlove talaga nakakabulag. My advice sis is to breakup with him. Hindi biro ang mundo ng pagaasawa. Worse case scenario pa nyan baka kung kelan kasal na kayo mas tumindi pa sya. Biruin mo buntis ka sasabihan ka ng nagiinarte. It just clearly means wala syang pake sa inyo ni baby bsta maglalaro sya. I know mahirap maging single mom but my mom did it. Mas gumaan pa buhay nya ngayon.
Đọc thêmPostponed nalang po muna. Kausapin mo sya na ayaw mo na ituloy kasal. Baka kasi napipilitan kalang magpakasal gawa ng baby mo. Pero mas isipin mo paano pag naging mag asawa na kayo, paano ka niya itrato? Eh ngayon pa nga lang ganyan na ginagawa sayo. Baka sakaling pag kinancel mo, marealized nya lahat ng kakulangan niya. Basta maging open lang po sa partner mo, wag ka mag papa under masyado. Kasi pagsisisihan mo sa huli pag di ka nag vvoice out..
Đọc thêmNako ako nag natakot para sayo sorry sis ako nyan di ko itutuloy ang kasal, ang kasal eh panghabang buhay at para sa taong papahalagahan ka mamahalin ka . Dapat nga asikaso ka nya kasi buntis ka at dapat breaktime nya tatawag man lang sayo at para kamustahin ka huhu Ngayon palang na di kayo kasal toxic na sa buhay sis alis ka na di sya karapat dapat sayo hingi ka nalang ng sustento ara sa baby mo kapag ayaw nya pwede mo man yan ipa baranggay.
Đọc thêmMommy grabe naman po sya parang wala syang pakialam sainyo ng baby mo. Para sakin mommy pag isipan mo ng mabuti at kung gusto mo ng advice ko, mommy wag na ituloy kasi ngayon palang po hindi ka na nya maalagaan ng maayos at matrato ng tama. Pano pa pag kasal na kayo? Mahihirapan ka lang po mommy. Pwede nyo rin po pag usapan yan para po sa personal nyong desisyon sa buhay. Always pray and good luck. God bless po mommy
Đọc thêmTake a break muna kayo pag isipan nyong mabuti kung dapat nyo pa ba ituloy. Nakapag alala dahil pag nanganak ka hindi malayo magkaron ka ng post partum depression and napaka hirap makipag deal sa ganung condition. If I were you aalis muna ko para mag isip lalo na para sa kapakanan ko at ng magiging anak ko. If he really loves you dapat he knows his priority. Wag ka masyado papastress mommy God bless
Đọc thêmHndi pa kayo kasal. May time ka pa mag isip at magback out. Ang kahihiyan, lilipas din yan, pero ung masettle ka sa lalaking ganyan ang pag-uugali stress lng aabutin mo dyan. Pag-usapan nyo, bigyan mo ultimatum. Malay mo magbago. Pero para sakin, hndi na. Hahaha it's your choice. Mas masarap masettle sa taong kaya kang bigyan ng PEACE OF MIND. lalo na't manganganak ka. Mahirap yun ang makakalaban mo ay PPD
Đọc thêmHindi pa kayo kasal ganyan na sya,. Pano nalang pag kasal na tapos hindi na sya nag bago? Knowing mag kakaanak pa kayo? Mas madali umalis sa relasyon pag hindi nakatali.. Isipin mo na lang ung mga susunod na araw... Taga payo lang kame in the end of the day ikaw pa rin ang mag dedesisyon,. Be practical po.. Be smart,. Pairalin ang utak.. Wag po puro puso.. Mas makakatulong sayo yan..
Đọc thêmThink it through mamshie.. minsan kasi iniisip ntin paano magging anak natin pag wala ang tatay pero minsan mas may damage sa bata kung mgksama nga kayo pero di maayos pagsasama niu. Nakita ko nga post sa fb na ikaw mppli mo ang mgging asawa mo pero ang baby mo di mappili ang tatay nia