Mood swings or matinding paglilihi
Iba po kasi paglilihi ko.. Di makakain nang maayos tapos laging pagod halos lahat nang pagkain ayaw nang sikmura ko. Nahihirapan na din ako mismo sa kalagayan ko tapos pinapagalitan pa ako dahil sa mga kilos ko ang hirap pa naman magpigil nang emosyon kapag preggy ka🥺#1sttimemommy #11weeks2days
Same tayo mi .. naranasan q din yan .. khit papano ngaun na-overcome qna yung paglilihi .. pero may time na nagsusuka prin aq pag may naamoy akong hnd maganda and ngayon khit papano nakakakain na rin ako .. pero may time na kompleto kain q may time na hindi ..
Same tayo mi. Umabot pa ko sa point na halos maghapon di ako makabangon sa sobrang hilo at pagsusuka ko. Tapos ang maririnig ko lang sa partner ko atleast na support e sinabihan ako na buntis lang ako wala daw naman akong sakit. #1sttimemommy
Masakit talaga kapag ganun lalo pag di tayo naiintindihan sa sitwasyon natin
Ako din sis maselan magbuntis pero wag talaga papastress. Need natin maging malakas para maging malakas din si baby. Pray ka lang palagi at kung may makakausap ka, magshare ka kasi nakakagaan ng pakiramdam yun. ❤️
True.. Mas magaan talaga sa pakiramdam kapag may mapagsasabihan ka
Kausapin nyo po mommy, ung partner ko nung una. Nagaaway kami lagi kasi kapag may niluluto sya ayaw kong kainin. Ngayon okay na kami. Naiintindihan na nya dahil sa hormones bat tayo ganito.
Kaya nga.. Masama yun sa pagdedevelop ni baby na laging umiiyak
Same po tayo my. 1st time mom din po ako, di ko alam na ganto po pala ako kaselan huhu. Nakakapanghina lalo na pagsuka ng suka, di din tuloy makakain si baby ng maayos 😟
Totoo.. Yung gutom ka na pero di ka makakain kasi ayaw ng sikmura mo
i feel you mi. danas ko din yan s 3rd pregnancy ko . nakakainis lng ksi s gnyan pag ung mga tao s paligid mo hndi maintndhn ang nraramdaman mo
Oo nga.. Bakit kasi kelangan maging ganun 3 baby ko na kasi to nakunan ako dalawang beses na kaya medyo talagang trauma ako Gusto ko intindihin muna ako kahit sa hanggang manganak lang ako kasi mahirap eh yung nagdedevelop pa baby ko di ako pwede laging umiiyak
I feel you pareho tyo nararamdaman . 11weeks and 4 days here po
Yung bawal ka umiyak kaso ayaw papigil ng luha mo.. Nakakasama kasi ng loob pag gantong mga bagay habang buntis ka