Low amniotic fluid at 24weeks

Iadmit po ako bukas dahil sa low amniotic fluid at 24weeks. Sino po dito same experience? Kamusta po tumaas po ba, anu mga ginawa nyo para mag normal? Sobrang worried na po ako sa baby ko. Thank you sa mga sasagot

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako nung 35weeks 6.5cm borderline oligo na ako nun na admit po ako nang 1week na dextrose nang 1week tapos nung bago lumabs hospital nag 8cm yung tubig and dis 37weeks ultrasound ulit para sa amotic fluid 9cm napo. More water po ang sinabi sa akin nakaka 5L or 6L or water ako kada araw

ako po Nag pre term labor nung 22weeks ako Since nabawasan panubigan ko Ni required ako atlease maka 8L of water per 24hrs...para mapalitan at madagdagan po ang panubigan and Iwas po sa heavy Activitys minsan po akse nababawasan tlg panubigan naten ng hnd naten alam

Nag low- normal din yung amniotic fluid ko 34 weeks inaadvice sakin ng OB ko pocari sweat 1 liter a Day and more water. after 1 week pagbalik ko sa ultrasound ok na yung amniotic fluid ko. pero tinutuloy ko pa rin uminom sobrang init kasi talaga ngaun.

drink more water and fresh buko water. Kaya tayo nire-required na uminom ng more water para may enough amniotic fluid si baby.

madalas ang advice po increase water intake po pag low amniotic fluid

more water momshie kahit minsan parang nasusuya na go lang para kay baby

ano po yung symptoms po ng low amniotic fluid? sana po may makasagot

6mo trước

Sa ultrasound mo lang sya makikita at malalaman mommy. Inom ka lagi nang tubig dahil siguro sa sobrang init nang panahon ngayon. Ako kasi ng low normal amniotic fluid ko eh. close cervix naman ako. ngayon okay na. pwd daw kasi hindi maayos nag fufunction yung kidney ni baby kaya di nakakaihi or may diabetes and Highblood po

Ako naman mii marami daw amniotic fluid 34 weeks na ako now

Increase po ng water intake..atleast minimum of 3L a day..

more water intake lang po mi