NO FETAL MOVEMENT

I worry too much. Naiyak na ako kanina. Kahapon gumagalaw siya as in sobrang active ng fetal movements niya kaso today sobrang dalang halos di bumubukol yung pagsipa niya sa tyan ko. Napaparanoid na ako. Sabi nila pag wala na daw si baby parang pagtigas nalang ng tummy yung mararamdaman mo na mapagkakamalian mo na pag galaw ng baby mo. Hindi ko talaga halos maramdaman. May nararamdaman ako na nag f-flail around sa tummy ko pero di bumubukol yung sipa. Hindi ko rin maramdaman na nag cchange siya ng posisyon. Minsan kasi nasa right side siya or left. Ngayon di ko maramdaman. 20 weeks preggy na ako and kaka check up ko lang last 30th ng May. (Last month) Okay naman lahat as per ultrasound. Medyo na paparanoid na ako. Na eexperience niyo din ba yung ganito? Normal ba to? Hindi ko ma distinguish kung ano yung pagtigas ng tyan sa hindi. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same tayo mosh . not sure kung 19 or 20wks sakin nun , kasi nung time na yun grabe sa likot ni baby as in kahit sobra busy ako sa work ramdam ko talaga siya . then nito ng daan weeks yes ng worried ako kasi may times na d ko siya ramdam ng worried talaga ako since June 15 pa check up ko . then ayun bigla2 may pitik2 siya ng Mild lang . hanggang wala pa check up , kinakalma ko lang sarili ko at wag paranoid or what para d maapekto . iniisip ko nalang baka c baby ng papahinga , next week concern Ob ako about dyan . sana Oke talaga c baby ko 😇🥰

Đọc thêm

It's actually easy to spot the difference na nagpapahinga Lang sya or nawalan na ng hb momsh. Had stillbirth at 26 weeks last time. First day na di sila magalaw, I knew there's something wrong. Tapos bumagsak Yung tummy ko. Minsan nasa mother's instinct din. And yes, fetal doppler can help. I have one Kaya nung d ko sila mafeel tapos dko na din mahanap ang hb sa fetal doppler, Alam ko na agad. So confirmation nalang ung sa ultrasound. When in doubt, rush to the hospital mommy.

Đọc thêm

Ang alam ko po Kasi Di na po masyadong gumagalaw si baby kapag malapit ng lumabas o manganganak na .puro Pag tigas na ng tummy un na medyo masakit. Pero Kung 20 weeks pa .need po agad macheck si baby ☺️ Di po Kasi un normal. inom po kayong cold water or Kain po ng matatamis gagalaw po si baby .... Pero para po sure pacheckup na po agad para maagapan .

Đọc thêm

Trycmopo bumili ng Fetal doppler para dika po mag worry ako po 20weeks na pero di po sya nagalaw wala po ako nararamdaman prang pintig lang suhi pa kasi sya now pero gumagamit po ako fetal doppler para pag nag worry ako bakit dinagalaw mariringgan ko hb nya baka kasi tulog

2y trước

mi ilang besis niyo po ginagamit ang Fetal Doppler? everyday po ba or once or twice a week?

Mommy para sa ikapapanatag mo paconsult ka na kay OB mo.. Yun naman kasi yun db sinasabi naman sa atin ni OB pag bigla humina ang kicks o bumagal o kaya wala talaga sa loob ng 1day kelangan ipaalam agad sakanila

If you are worried mommy. Let your OB know agad. Kasi iba iba case ng buntis. Baka sa iba ok lang yan. Pero sayo pala hinde. Mabuti na macheck ka. Para lang sure.

Yun sakin kasi on 20th week hindi sya masyado magalaw talagang naramdaman ko is nun 22 weeks na and up. Pero if bothered po kayo is pa check ka sa OB mo na.

2y trước

hello maam. nung 20th week mo po ba may mga araw na hindi mo din sya nararamdaman at all and may mga araw na nararamdaman mo naman?

subukan mo po kumain ng chocolate mami, minsan ganyan po kasi sakin. nagpapahinga lang po si baby. minsan po kasi sa madaling araw sila sipa ng sipa

minsan po kasi tulog si baby maghapon gnyan po talaga ang baby sa loobng tyan namamahinga din naman. pero kung worried ka magpacheck up kana agad

magpundar ka ng fatal Doppler mommy kahit hb marinig mo ma relief ka kahit papano natutulog lang si baby kaen ka chocolate

2y trước

Agree dito. Bili po kayo ng fetal doppler. Meron po sa shopee. Since 20 weeks palang kayo, masusulit nyo ang pag gamit. Masisigurado nyong okay pa si baby kahit hindi nyo na antayin ang next checkup nyo.