I need answer and help mga moms 😔

I went to my ob yesterday, I'm 5 weeks delayed and I have 3 positive pregnancy test and yung isa don is unang ihi sa umaga, Inultrasound ako pero yung outside lang yung sa puson lang pero wala pa po nakita embryo, kaya po ko napa check up ng maaga because of my discomfort sa balakang ko sobrang ngawit sya and yung ihi ko sobrang dalas like sa isang oras 4 times ako umiihi (nag test na din ako ng urine, wala po kong uti sa result) and other symptoms madalas din ako bloated at sinisikmura parang may nakabara na sa lalamunan ko Is it possible for false positive? Wala pa po kasi nakita eh. Or may mga naka experience po ba dito na di nakita then pag balik meron na pong nakita? Salamat 😊 #advicepls #pleasehelp #pregnancy

I need answer and help mga moms 😔
21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mamsh 3 months pababa, TransV lang po ultrasound dahil napakaliit pa ni baby hindi siya visible sa pelvic ultrasound.. Advice ko lang po, magpalit kayo ng OB. Parang d marunong yan.. Basic knowledge po na pag below 3 months ia TRANSVAGINAL ULTRASOUND. bakit ka nya pinelvic knowing na 5 weeks ka palang delay.. Parang may mali sa OB mo.

Đọc thêm

Usually mamsh pag 1st trimester dapat TVS para mas accurate ang result kasi po maliit pa si baby. 5 weeks po is talagang minsan wala pang nakikita though pelvic ultrasound po ang ginawa sa inyo na dapat TVS. Balik po kayo kapag 8 to 9 weeks preggy na po kayo kasi dapat po dyan may makita na si baby at may heartbeat na..

Đọc thêm

Try nyo po pa transv since early pregnancy pa. Pero may times talaga na hnd pa nakikita sa ultrasound si baby may iba sac lang and iba wala talaga nakikita dahil masyado pa maaga. Try nyo po after 2wks. If want to make sure serum test po kayo lilitaw po dun if positive. Keep safe

me po.. almost 1month delayed nung una nagpacheck up.. nag patrans v ako, walang nakita.. sabi nung ob, stress lang kaya ako nalate.. hindi padin nagkaroon after nung unang check up.. on the third month na wala ung period ko, nagPT ako at positive sya..

2y trước

wow. praise God momshie for positive PT. ask ko lang po ilang weeks k ng preggy sis? 44 days ng delayed negative pa rin

Sabi ng OB ko, bihirang bihira lang daw ang nag false positive. Possible pa daw na mag false negative pero hindi false positive. Dapat po TVS ginawa sa inu, 5weeks ka pa lang. Sa TVS nga, di pa yan nakikita minsan. 1st TVs ko noon is 7weeks na nakita.😊

ung sakin po 1month and 3 weeks po di ako nag karoon tas nag pt po ako negative tas nag pa transvaginal ultrasounds po ako sabi ni doc wala papong makita baka daw po earlier pregnancy po kaya po pinapainom nyapo ako ng pampakapit ng baby ok lang poba yun

2y trước

sabi kasi ni doc earlier pregnancy i kaya kailangan kodaw uminom nun

Thành viên VIP

Possible sis na hindi pa baby yan. Kasi maaga pa yung 5 weeks eh. Ganyan din yung unang test namin, bula palang sya. Di pa sya baby. Kasi may mga embryo na hindi natutuloy maging baby kaya papabalikin ka ulit para macheck sya at para sa heartbeat.

Actually 5weeks nde pa mostly nakikita agad sa ultrasound.. Pero bakit naman pelvic agad ginawa sayo dapat TransV kasi early pregnancy ka pa.. Baka gusto mo mag pa 2nd opinion sa ibang OB-sonologist para ma transV ka

Thành viên VIP

halos same po tayo.ganyan din po ako sa pag ihi ko naman madalas na talaga ako maihi mayat maya pero mas lamang pag gabi lang. pero ngayon pag sa hapon mayat maya na talaga pag ihi ko grabe.. sana po may makasagot

2y trước

magtest po kayo mommy. ako po days lng naDelayed. nag PT agad ako 3x and it's shows I'm positive. now I'm 21 weeks pregnant na po. Good luck sa atin mga mommies..

Mi ako para sure pina serum PT agad ni dok kasi sa sobrang advance ko yata nagpa check up wala pa makita sa ultra sound. Ayun positive talaga then pag balik lo after 3weeks nakita na si baby :)