It's Time To Share My Labour Story ❤️

I am a Silent Reader here! Finally nakaraos narin sa wakas. Salamat sa lahat ng nag shares ng story nila about sa panganganak dito sa apps na to. Ako lang ba dito yung everyday binubukasan ang apps na to? At lagi tumitingin sa newsfeed if may nanganak na or etc at shempre yung message ni baby every day! EDD:July 4 2020 DOB:June 29 2020 2.6kl Normal Delivery! 39 weeks & 2days June 28 8pm kumakain kami, Wala ako nararamdaman kahit ano. After nun nagpahinga muna ako sa sala shempre nagbabasa na naman ako sa newsfeed na to mas nageenjoy paku dito kesa Facebook hehe. Around 9pm inaantok naku tumaas naku sa kwarto then paghiga ko may napansin ako na may tubig dumaloy sa may pempem ko di paku nag lagay ng primrose nun. After nun Di ako mapakali Di talaga tumitigil yung daloy yun pala nag leak na yung panubigan ko pero no pain. Chat ko agad Ob ko sabi punta na daw ako hospital pero sabi ko Dra Ligo lang ako nung nasa cr naku tumatagas talaga sya shempre nanginginig katawan ko na kinakabahan naku pero no pain parin. Around 11pm nakarating naku hospital ayon 4-5cm naku agad. Moreover, 4:30am pumutok na panubigan ko at sobrang sakit na nya. Sabi ko natatae naku IE nila ako 7-8cm na pero malayo pa daw si baby pinunta na nila ako Delivery room nag lakad lang ako after 5 minutes Di ko na mapigilan yung parang natatae naku 2 lang irihan ko baby Out! Wala pa yung Dra ko buti sobrang bait ng dalawa nag aasist saken, kung gusto talaga ni baby lumabas na lalabas talaga sya at Wala ako tahi bilis lang nya lumabas. Sarap umiri promiseee! Tips : squat lakad lang kayo mga sis. Effective talaga saken yung chuckie nakaapat inom lang ako.

It's Time To Share My Labour Story ❤️
115 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ito talaga yung dapat na SANA ALL hehe congrats po!

congrats sana aq din makaraos ng wala masyado pain

5y trước

Thank you Momah! Makakaraos karin more lakad lang and squat!

Congrats mamsh! Sana all madali makapanganak 😀

5y trước

Tubig kasi nauna saken sis, sabi nila madali lang daw manganak pag water lumalabas.

Congrats mommy! Para san po yung chuckie mommy ?

5y trước

ah okay po! try ko din po malay effective 😁

momsh kelan po kau nstart mglakad2x at mgsquat?

5y trước

37 weeks po, pero hindi every day.

Thành viên VIP

Everyday din ako nagbubukas sis!🥰 Congrats!

5y trước

Hehehe same nakakawala ng kaboringan sa buhay hehehe❤️

Congrats Mommy cute ni Baby 💛💛

Thành viên VIP

Sana all d mahirapan 🙏🏻 Congrats💜

5y trước

Kaya yan Momsh! Salamat po

Para san mommy yung chukie?😊😊😊

5y trước

Nakadpnde parin Momsh sa tao, pero saken kasi nagwork. Yun kasi yung last na ininom ko bago ako mag Labour.

Chuckie everyday po ba? 4 times a day?

5y trước

39 weeks tapos once a day po? Hehe