Wala pa po akung ultrasound, at pangalawang beses lang din ako naka pag prenatal,,
I need help mga ate ko po dito, ngayung march na po ako manganganak pero di po ako sure jan😶😥 naka limutan ko po kase anong date last period ko po .. Sa palagay niyo po 8months na po tung ganto kalaki
Pang ilang baby na po ba yan mommy? Kailangan mong pumunta sa OB or need mong magpa pŕenatal for baby's sake. para ma monitor nila ang kalagayan niyong dalawa.
Hindi po malalaman sa laki ng tyan kung ilang months ka na. Magpa ultrasound ka na agad para alam mo din kung may complications. Isipin mo si baby.
Ultrasound po mommy, lalo na malapit na kabuwanan mo, kailangan parin po. Hindi po sa sukat nang baby bump malalaman kung anong buwan kana.
sa ultrasound Siya makikita alam ko ehh Kasi sa first baby ko nalimutan ko na din pero nung nag pa ultrasound ako dun ko nalaman ☺️
Magpa ultrasound po kayo mommy at magpacheck sa ob. Required yun sayo. Baka mahirapan ka kapag pumunta ka sa ospital wala kang record.
pag nanganak ka sa hospital papgalitan ka girl , dapat mag paultrasound ka mnlang pra malaman bka kasi dka tanggapin pg gnyan .
Ob lang nakakaalam kung kelan ka manganganak. Kung 8months man tpos twice lng nkapag prenatal libre lang nman sa center.
monshie para po sure at hind ka naghuhula lang need mo pong magpa ultra sound tska required un kapag manganganak kna
Momshie ultrasound lang ang makakasagot sa tanong mo. Kahit OB hindi kaya hulaan yan ng walang ultrasound
Jusko momsh, magpa-check up kana po! Need mo ng ultrasound para macheck if naka pwesto na si baby.🤦